• December 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Gastos sa biyahe abroad ng OVP noong 2023, triple tinaas — COA

TRIPLE ang tinaas ng halaga ng gastos sa pangi­ngibang bansa ng mga opisyales ng Office of the Vice President noong 2023 na umabot sa P42.58 milyon.

 

 

 

Ayon sa Commission on Audit (COA), mas mataas ito ng 648% o nasa P11.15 milyon mula sa P1.49 milyong foreign trips ng OVP noong 2022.

 

 

Sinasabing ang naturang pondo ay ginastos para sa daily allowances at travel costs ni Duterte, kanyang security detail at delegado sa pagpunta sa ibang bansa.

 

 

Wala namang ulat ang COA kung gaano karami ang foreign trips ng OVP noong 2023 pero si VP Sara ay may tatlong trips abroad bilang official capacity noong 2023.

 

 

Batay sa tanggapan ng OVP, si VP Sara ay nagtungo sa Brunei at Singapore noong Hunyo para sa education-related meetings bilang head ng Southeast Asian Ministers of Education Organization kung saan ang Pilipinas ang chairperson dito at nagtungo rin ng South Korea noong Setyembre para sa Education global summit. ( Daris Jose)

Other News
  • PINAKAHIHINTAY NA 2ND TRANCHE SAP, NATANGGAP NA NG 3K NAVOTEÑOS

    NATANGGAP na ng 3,003 Navoteño families ang kanilang pinakahihintay na second tranche emergency subsidy sa ilalim ng Bayanihan 1 Social Amelioration Program (SAP).     Ang Department of Social Welfare and Development (DSWD)–National Capital Region, sa koordinasyon sa Pamahalaang Lungsod ng Navotas ay sinimulan na ang pamamahagi ng P5,000 cash assistance bilang partial payout sa […]

  • Panukalang pagbibigay ng P1M cash gift sa Pinoy centenarians, oks sa Kamara

    MAGANDANG balita sa mga Filipino centenarians na umabot sa idad na 101 taong gulang dahil mabibiyayaan sila ng cash gifts bilang pagbibigay karangalan at suporta sa kanila.     Sa botong 257, inaprubahan ng kamara ang House Bill 7535 na nagsusulong na mabigyan ng P1 million ang mga Pinoy na umabot sa idad na 101 […]

  • Hidilyn ipinagmalaki ang buong team sa kaniyang tagumpay

    Labis ang pasasalamat ni Pinay weightlifting champion Hidilyn Diaz sa kaniyang kasamahan na naging susi sa tagumpay nito para makuha ang kauna-unahang gintong medalya ng bansa sa Tokyo Olympics.     Kinibibilangan ito ng kaniyang coach na si Jeaneth Aro bilang nutritionist, sports psychologist Dr. Karen Trinidad; weightlifting coach Kaiwen Gao at strenght and conditioning […]