• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

“Gat Marcelo, who holds the esteemed title of National Hero, should be our guide and beacon” – Fernando

LUNGSOD NG MALOLOS – “Si Gat Marcelo H. Del Pilar na ating pangunahing bayani na may hawak ng titulong Pambansang Bayani, siya ang gawin nating gabay at tanglaw. Ang kanyang kaisipan, paninindigan, at mariing pagtutol sa katiwalian at pag-abuso sa kapangyarihan ay patuloy na nagbibigay inspirasyon sa atin na ipaglaban ang tama at makatarungan.”

 

 

Ito ang mensahe ni Gob. Daniel R. Fernando sa mga Bulakenyo sa paggunita ng Ika-173 Guning Taong Pagsilang ni Gat Marcelo H. Del Pilar na ginanap sa Dambanang Marcelo H. Del Pilar sa San Nicolas, Bulakan, Bulacan kaninang umaga.

 

 

Nakaangkla sa temang “Marcelo H. Del Pilar: Liwanag ng Nakaraan, Tanglaw natin sa Kasalukuyan”, pinangunahan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pamumuno ni Fernando at ng Bise Gob Alexis C. Castro ang pag-aalay ng bulaklak sa harap ng bantayog ni Del Pilar kasama ang Sangguniang Panlalawigan ng Bulacan, Sangguniang Bayan ng Bulakan, DILG Provincial Director na si Myrvi Apostol-Fabia, mga kinatawan mula sa National Press Club of the Philippines, Bulacan Press Club, Central Luzon Association, Senior Grand Warden, Free and Accepted Masons of the Philippines, PNP-Bulakan, at iba pa.

 

 

Bilang panauhing pandangal, ikinintil ni Kalihim Benjamin “Benhur” Abalos, Jr. ng Department of the Interior and Local Government sa mga puso at isipan ng mga Bulakenyo ang mga dakilang katangian ni Del Pilar habang nagbabalik-tanaw sa kanyang mga kabayanihan.

 

 

“Kung sinasabi nila na there will always be change, I will tell you this: kung may isang bagay man na talagang hindi magbabago ay ang katangian ng katapangan; ang katangian ng kadakilaan; ang katangian ng pagmamahal; ang katangian ng pakikipagkapwa-tao. Tandaan niyo ‘yan at iyan ang itatanim natin,” ani Abalos.

 

 

Gayundin, inihalintulad ni Fernando ang mga katangian ni Del Pilar sa mga katangian na dapat taglayin ng mga lingkod bayan.

 

 

“Nakatuon tayo, hindi sa pansariling-interes kundi sa kapakanan ng higit na nakararami. Kung ating susuriin, ang adhikain ng ating dakilang bayani ay tugma at angkop pa rin sa mga pangangailangan ng ating panahon; ang pagpapalakas ng lokal na pamahalaan; ang pagpapalaganap ng aktibong partisipasyon ng mga mamamayan,” ani Fernando.

 

 

Ayon sa Republic Act 11699, ang ika-30 ng Agosto ay ipinagdiriwang din bilang “Araw ng Malayang Pamamahayag” bilang pag-alaala sa kadakilaan ni Del Pilar bilang isang mamamahayag.

Other News
  • Siya na raw ang ‘Donnalyn Bartoleme’ part 2: KRIS, nakisawsaw at ipinagtanggol pa ang maling ginawa ni ALEX

    MARAMI ang pumuri kay Ria Atayde sa pagiging bagong Calendar Girl niya ng White Castle Whisky.        Binali kasi ni Ria ang nakasanayang image o molde ng isang White Castle Whisky Calendar Girl na kailangan payat na payat para masabing sexy.     Ang iprinisinta rin daw na advocacy ng brand ang dahilan kung […]

  • Galvez, ipinanukala ang pagbabakuna laban sa covid 19 sa mga kabataang may edad na 12 hanggang 17 sa kalagitnaan ng Oktubre

    IPINANUKALA ni Vaccine czar Carlito Galvez Jr. ang pagbabakuna sa mga menor de edad o 12 hanggang 17 taong gulang laban sa COVID-19 na magsisimula sa kalagitnaan ng Oktubre.   Sa Talk to the People ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, araw ng Miyerkules, sinabi ni Galvez na ang gobyerno ng Pilipinas ay mayroong 23.75 milyong […]

  • LeBron, Giannis Captain Ball ng NBA All Star 2023

    Halos abot na ni LeBron James ang NBA career scoring record ni Kareem Abdul-Jabbar. At ngayon, nalampasan na naman niya si Abdul-Jabbar sa isa pang pahina ng All-Star record book.   Inanunsyo si James noong Huwebes (Biyernes, oras sa Maynila) bilang NBA All-Star sa ika-19 na pagkakataon, ang star ng Los Angeles Lakers na tumabla […]