• April 24, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Gentoleo, Navarro matitibay ang tuhod

TINANGHAL na mga tigasin sina Joseph Gentoleo at Cherryl Navarro ng kapwa Team Amihan na hari’t reyna sa katatapos na Manila-Bataan 102-Mile Endurance Run 2020 na nilargahan sa Zero Kilometer Post ng Luneta Park sa Maynila at humimpil sa Zero Kilometer Death March Marker sa Mariveles, Bataan.

 

Ang race cut-off time ay 36 na oras, pero binagtas ng tubong Iloilo na residente ng Parañaque na si Gentoleo, 35, ang makasabog-baga’t makabali-tuhod na karerahan sa loob ng 27 oras at 57 minuto para sa men’s division title. Lumanding na pangalawa sa kawani ng Leslie Corporation sina Ildebrando Yap (30:19) at Gerrit James Galvez (30:20).

 

Sa women’s side sa event na pinakawalan sa ganap na alas-10:00 nang gabi noong Biyernes, Pebrero 6 at natapos nitong alas-10:00 nang umaga ng Linggo, Marso 8, ang may katulad oras ni Gentoleo na si Navarro, 40, ng Bataan ang nagwagi.

 

Mga dumaan sa Metro Manila, Bulacan at Pampanga, sorpresa ang panalo ni Navarro dahil sa unang 100 milya pa lang niya karipasang ito.

 

Sumegunda at tumersera sa kanya sina Maica Santiago (30:10) at Irene Buyuccan (32:40). Ito’y inorganisa ng Endurance Challenge Philippines kung saan ang race director ay si Jonjon Alegre.

 

Nasa 24 na ultramarathoner ang tumugon sa starting gun at 20 ang finishers. Apat ang mga hindi pinalad na tapusin ang arangkadahan.

Other News
  • Star-Studded New York City Red Carpet Screening of Marvel Studios’ “Black Panther: Wakanda Forever”

    DIRECTOR Ryan Coogler and stars Letitia Wright, Lupita Nyong’o, Danai Gurira, Winston Duke and Tenoch Huerta Mejía attended a star-studded red-carpet event at AMC in New York City.     Images from the event are now available.     In Marvel Studios’ “Black Panther: Wakanda Forever,” Queen Ramonda (Angela Bassett), Shuri (Letitia Wright), M’Baku (Winston […]

  • Gilas Pilipinas, pinataob ng New Zealand sa pagtatapos ng FIBA Asia Cup 2025 Qualifiers

    BUMAWI ang New Zealand laban sa Gilas Pilipinas matapos magpakita ng napakagandang laro at tinalo ang Pilipinas sa 87-70, kaya’t pasok na ang team sa Group B para sa pagtatapos ng kanilang laban sa 2025 FIBA Asia Cup Qualifiers nitong Linggo na ginanap sa Spark Arena, New Zealand. Maaalalang nakapagtala ang Tall Blacks nang kanilang kauna-unahang […]

  • Sa ika-anim na pagkakataon… SEAL OF GOOD LOCAL GOVERNANCE, MULING NAKUHA NG NAVOTAS

    MULING nasungkit ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang pinakaaasam na Seal of Good Local Governance mula sa Department of the Interior and Local Government (DILG) sa ikatlong magkakasunod na taon.     Personal na tinanggap ni Mayor John Rey Tiangco, kasama sina Vice Mayor Tito Sanchez at DILG Navotas City Director Jenifer Galorport, ang parangal […]