GERMAN NATIONAL, ARESTADO SA MULTI-MILLION-EURO SCAM
- Published on October 28, 2021
- by @peoplesbalita
NAARESTO ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Israeli national na nahaharap sa 200 na reklamo na isinampa ng mga German victim dahil sa kasong sangkot sa multi-million -euro investment scam.
Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, si Kfir Levy, 43 ay kasalukuyang naka-detain sa BI Custodial Center matapos itong naaresto sa Diosdado Macapagal Avenue, Pasay City ng mga operatiba ng bureau’s fugitive search unit (FSU) matapos siyang mag-isyu ng mission order dahil sa kahilingan ng awtoridad ng German matapos ipaalam ang krimen na ginawa ng suspek.
“Two weeks ago, we received information from German authorities about the charges against him,” ayon kay Morente. “Now that we have him in custody, we will proceed with the deportation proceedings so he may be deported and blacklisted from the country for being an undesirable alien,” dagdag pa ng BI chief.
Inilarawan ni Morente ang suspek na isang high-profile fugitive na may dalawang arrest warrants na inisyu ng German courts noong February ng nakaraang taon dahil sa pagkakasangkot nito sa fraud syndicate na bumiktima ng daan-daan niyang kababayan sa pagitan ng 2016 at 2019.
Ang unang warrant ay inisyu noong Feb. 13, 2020 ng Bamberg district court sa Bavaria habang ang isa ay isang European arrest warrant na inisyu ng local court sa Bamberg.
Dagdag pa ni BI-FSU acting chief Rendel Ryan Sy na si Levy ay overstaying na matapos na hindi na bumalik sa kanilang bansa simula Jan 30 ng nakaraang taon.
Si Sy ay miembro ng criminal syndicate na nag-ooperate ng trading platforms sa Internet at large-scale fraud sa mga nahikayat niyang customer sa pamagitan ng telepono at emails upang nag-invest ng malaking halaga sa kanya na may pangakong malaking tubo.
Si Sy ay kasalukuyang nakadetine sa CI warden facility sa Camp Bagong Diwa, Taguig City. GENE ADSUARA
-
Guadiz, posible pa ring masibak mula sa LTFRB
POSIBLE pa rin umanong masibak sa puwesto si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Teofilo Guadiz III, kung mapapatunayang guilty siya sa mga alegasyon ng korapsyon. Ito ang naging tugon ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista matapos na matanong kung maaari pa bang muling ma-dismiss si Guadiz mula sa […]
-
4th leg PH Dragon Boat Federation Regatta: Philippine Army Dragon Warriors kampeon!
Ipinagpatuloy ng Philippine Army Dragon Warriors ang kanilang sunod-sunod na panalo ngayong taon matapos maghari sa ikaapat na leg ng Philippine Dragon Boat Federation (PDBF) Regatta noong Linggo. Nagtagumpay ang Army men sa 200-meter women’s mall boat, 200-meter Standard Mixed board; at 200-meter Standard Open boat categories sa kompetisyon na ginanap sa Dolomite Beach, […]
-
‘Hackers’, ninakaw ang COVID-19 vaccine data ng Pfizer-BioNTech – report
Inamin ng mga kompanyang Pfizer at BioNTech na na-hack ang kanilang mga dokumento na may kinalaman sa dinevelop nilang bakuna laban sa coronavirus disease (COVID-19). Batay sa ulat ng Reuters, sinasabing napasok ng hackers ang regulator na European Medicines Agency (EMA), na responsable sa pagbibigay ng approval sa mga gamot at bakuna sa European […]