• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Giit ni Sec. Roque: hindi lahat ng pulis ay bugok

HINDI lahat ng pulis sa bansa ay “bugok”.

 

Ito ang binigyang diin ni Presidential Spokesperson Harry Roque matapos na maging viral online ang video na nagpapakita na may isang babae ang binaril ng pulis na ikinamatay nito.

 

Para kay Sec. Roque, nananatiling professional organization ang Philippine National Police (PNP).

 

Aniya pa, ang nasabing shooting na nagsasangkot sa pulis ay “isolated incident.”

 

“Definitely, that is not the rule. That is the exception to the rule. Wala po tayong magagawa. Kahit anong organization mayroong paisa-isang mga bugok at ito pong pangyayaring ito iyong naunang event…ito po iyong mga bugok,” ayon kay Sec. Roque.

 

“Pero … please, we have hundreds of thousands in the ranks of our policemen and we hear of one or two cases of this nature. Hindi po totoo na malawakang maraming bugok sa kapulisan,” dagdag na pahayag nito.

 

Iginiit ni Sec. Roque na ang kapulisan ay professionals matapos na sanayin bilang tagapagpatupad ng batas subalit kailangan din nilang i- observe ang batas.

 

“We have respect for the professionalism of our policemen. And yes, I confirm these are exceptions to the rule that our policemen are by and large professionals,” anito.

 

Sa ulat, patay ang 52 anyos na lola na si Lilybeth Valdez matapos barilin ng lasing na pulis sa Sitio Ruby, Barangay Greater Fairview, Quezon City nitong Lunes.

 

Kinilala ang pulis na si Police Master Sgt. Hensie Zinampan ng Police Security and Protection Group. Nakuhanan ng video ang pamamaril.

 

Pasado alas-9 ng gabi nang bumili ng sigarilyo ang biktima sa isang tindahan sa labas ng kanilang bahay.

 

Sinundan siya ng pulis at kitang-kitang itinatago ng pulis ang baril sa kanyang likuran. Ikinasa niya ito at saka sinabunutan ang lola.

 

“Nung pagkasabunot po kay ante Susan sabi po, ‘sir wag niyo naman po ako sabunutan’…Pagkasabunot kay ante sa buhok binaril po kaagad siya,” ani Joanne Luceño, kaanak ng biktima at nakakita sa insidente.

 

Kita sa video na may mga bata sa paligid nang mangyari ito. Hindi naka-duty si Zinampan nang barilin niya ang biktima.

 

Ayon sa anak ng biktima na si Beverly Luceño, dati nang nagkaalitan ang pulis at ang biktima.

 

Noong May 1, nagkasuntukan umano ang pulis at ang asawa at anak ng biktima. Pinagbantaan na rin daw ng pulis ang biktima.

 

Agad inireport sa pulisya ang insidente kaya inaresto ang suspek.

 

Sa panayam ng media, itinanggi pa ng suspek na siya ang pumatay sa lola, kahit na kitang kita sa video ang pagpatay.

 

Narekober ng mga awtoridad ang baril na ginamit.

 

Hawak na ng Quezon City Police District ang suspek na nakatakdang kasuhan ng murder.

 

Noong Disyembre 2020, kasagsagan ng isyu ng pamamaril ni Jonel Nuezca sa mag-inang Gregorio, nagpost sa Facebook ang suspek na hindi lahat ng pulis ay masama at isa aniya siya sa mabubuting pulis. (Daris Jose)

Other News
  • Urban gardening at aquaponics project, inilunsad sa Navotas

    PORMAL na inilunsad ang Bio-diversified Fitness Project ng Bureau of Fire Protection (BFP), Technical Education And Skills Development Authority (TESDA), at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa Navotas City.     Ito ay isang urban gardening at aquaponics project na naglalayong pagyamanin ang environmental sustainability at magsulong ng healthy and active lifestyle sa […]

  • MM provincial bus operations posibleng buksan

    May mga provincial bus routes papunta at galing sa Metro Manila ang puwede ng muling buksan kung saan sinabi ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na kanilang ginagawaan ng paraan na mangyari.   Sinabi ni LTFRB Chairman Martin Delgra na ang kanilang ahensiya ay naghahanda na para sa muling pagbubukas ng ilang provincial […]

  • SPUTNIK V VACCINE, OKEY NA SA FDA

    BINIGYAN  na ng Food and Drug Adminstration (FDA) ang Gamaleya Sputnik V vaccine ng Emeregncy Use Authorization o EUA.   Kinumpirma ito ni FDA Director General Eric Domingo sa virtila media forum ng Department of Health (DOH) ito ay matapos ang maingat na pagsusuri at konsiderasyon ng regulatopry at medical experts.   “It is  decided […]