• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

GILAS PILIPINAS, NAKAHANDA NA SA FIBA ASIA CUP 2021 QUALIFIERS

NAKAHANDA ang Gilas Pilipinas sa kanilang pagsabak sa mga laro ng FIBA Asia Cup 2021 qualifiers sa Manama, Bahrain.

 

Isasagawa ng nasabing bansa ang “bubble” type game sa group A at D.

 

Kasama kasi sa Group A ng Pilipinas ang South Korea, Indonesia at Thailand habang sa Group D naman ay binubuo ng Bahrain, Iraq, Lebanon at India.

 

Ang desisyon na maglaro sa Nobyembre 2020 at Pebrero 2021 qualifying windows sa bubbles ay napagdesisyunan noong Setyembre.

 

Bukod kasi sa Manama ay napili rin ang Doha at Amman bilang host cities.

 

Magiging host ng Group B and E ang Doha, Qatar, na binubuo ng China, Japan, Chinese Taipei at Malaysia ang Group B habang ang Group E naman ay binubuo ng Qatar, Iran, Syria at Saudi Arabia.

 

Habang ang Amman, Jordan ay gaganapin ang Windows 2 game ng Group F at Group C kabilang ang Jordan, Kazakhstan, Pales- tine at Sri Lanka.

Other News
  • 2023 Budget pirmado na ni Mayor

    NILAGDAAN na ni Manila Mayor Maria Sheila “Honey” Lacuna-Pangan  ang budget ng pamahalaang lungsod para sa taong 2023 na nagkakahalaga ng P22.2 bilyon, na ang halos kalahati ay nakalaan para sa serbisyong panlipunan at pang-kalusugan.     “Isinumite natin ito sa Sangguniang Panlungsod at kaagad naman nilang tinalakay, sinuri, pinag-aralang maigi at ipinasa sa kanilang […]

  • 100 MEDICAL WORKERS SA NAVOTAS, NABAKUNAHAN NA

    NASA 100 medical workers ng Navotas City Hospital ang unang nakatanggap ng bakuna ng Coronavirus Disease 2019 noong Biyernes sa pangunguna ni Dr. Roan Salafranca, NCH Chief of Clinics.     Tinanggap ng Navotas ang mga bakuna noong Huwebes at dinala sa cold room sa Navotas Polytechnic College.     “Tuwang-tuwa kami at nagpapasalamat na […]

  • Reklamo vs Sen. Pimentel dahil sa paglabag sa quarantine protocols, submitted for reso na – DoJ

    INATASAN ngayon ng deputy state prosecutor ng Department of Justice (DoJ) na humahawak sa reklamo laban kay Sen. Koko Pimentel dahil umano sa paglabag nito sa quarantine protocols ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) na bilisan ang paglalabas ng resolusyon sa reklamo.   Kasunod na rin ito nang pagkumirma ni DoJ Senior Deputy State Prosecutor Richard […]