• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Gilas Pilipinas sisimulan na ang puspusang ensayo sa Laguna

MAGSISIMULA na ngayong araw ang puspusang ensayo ng Gilas Pilipinas para sa gaganaping ikalawang window ng FIBA Asia Cup 2025 Qualifiers.

Ayon kay Gilas coach Tim Cone, na mananatili muna ang mga Gilas Pilipinas sa kanilang training camp sa Calamba, Laguna.
Dahil sa limitadong oras ng ensayo ay nagpasya ang mga ito na hindi muna gawin ang public practice gaya ng nakagawian.
Dagdag pa ni Cone na hindi sapat ang kanilang oras kaya gugugulin muna nila ang mga nalalabing panahon sa matinding ensayo.
Maaring maimbitahan muna nila ng isang koponan sa PBA para makalaro ng Gilas squad bago ang laban nila sa susunod na linggo.
Ang ranked 34 na Gilas Pilipinas ay makakaharap ang ranked 22 na New Zealand sa darating na Nobyembre 21 habang sa Nobyembre 24 naman ay makakaharap nila ang ranked 117 na Hong Kong na gaganapin sa MOA Arena.

 

Other News
  • Navotas nag-uwi ng maraming awards, recognitions

    NAG-UWI ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas kamakailan ng maraming awards at recognitions kamakailan mula sa Department of Health (DOH) at Department of Social Welfare and Development (DSWD).     “These awards and recognitions should inspire us more to always improve and upgrade the quality of our services,” ani Mayor John Rey Tiangco.     Sa […]

  • PDP-Laban exec Evardone, inendorso ang presidential bid ni Leni Robredo

    INENDORSO ng isang mataas na opisyal ng ruling party PDP-Laban, araw ng Lunes ang presidential candidacy ni Vice President Leni Robredo base sa kuwalipikasyon na itinakda ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte for para maging successor nito.     Naniniwala si Eastern Samar Governor Ben Evardone, nagsisilbi bilang PDP-Laban vice president for the Visayas, “virtually” ay […]

  • 1,943 traditional jeepneys balik kalsada

    Bumalik na sa kalsada ang may 1,943 na traditional jeepneys na papasada sa 17 routes sa Metro Manila na binigyan ng pahintulot  ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).   Sa ilalim ng isang LTFRB memorandum circular, ang mga traditional jeepneys ay maaari ng bumalik sa kanilang operasyon kahit na walang special permits. Subalit […]