GINA, interesadong mag-audition sa hinahanap na Filipino lola para sa isang ‘Disney’ movie
- Published on January 13, 2021
- by @peoplesbalita
NAG–ANNOUNCE ang Walt Disney Company na naghahanap sila ng isang Filipino lola para maging part ng cast ng Disney movie, kaya narito ngayong sa bansa ang casting team.
Kaya naman ang award-winning Filipino actress, si Ms. Gina Pareno, ay nag-post sa Twitter account niya na interesado siyang mag-audition for the said role.
Tweet ni Gina, “pasado ba ako ‘pag nag-audition ako sa Disney? RETWEET IF YOU AGREE!”
Sumagot agad ang mga followers at fans ni Gina at nag-retweet sila and tagged Disney’s Twitter pages, at wish nilang i-consider nila ang veteran actress for the role.
Ang iba nga ay natuwa at naniniwala raw sila na perfect choice kung pipiliin nila si Gina. Ang ibang fans ay nag-share pa ng ilang eksena ni Gina mula sa mga nagawa na niyang proyekto sa movies at TV.
Ayon sa Sarah Finn Casting team ng upcoming Disney film, hindi raw kailangan ang professional acting experience.
Kailagan lamang magpadala ang mga interesado, ng short video with a self-introduction part in English, i-share nila ang tungkol sa kanilang family or favorite activity, in whatever Filipino language or dialect they prefer.
Isa rin sa requirements, dapat ang mapipiling Filipino lola ay papayagang magtrabaho sa United States, dahil ang location shooting ay gagawin sa Atlanta, Georgia.
Good luck, Ms. Gina Pareno!
***
LABIS pa rin ang pasasalamat ni Xian Lim na mga gamit lamang niya sa kanyang bahay like TV sets, computers at iba pang gadgets ang kinuha ng sa palagay niya ay apat na taong pumasok doon.
Pero nasabi rin niya na natatakot siya para sa kanya at sa mga kasama niya sa bahay.
“Yes, I feared for my life, my mom, lola and lolo….as time passed by, I became grateful that no one was hurt,” sabi ni Xian.
“At this point, I hope na kung sino man ang nanghimasok at nagnakaw ng mga kagamitan dito sa amin at magamit ninyo ang perang yan para mapakain nang husto ang pamilya ‘nyo. Diyos na ang bahala sa inyo.”
***
LAST Sunday, January 10, sa YouTube vlog entry ni Kapuso actress Heart Evangelista, pinost ng husband niyang si Sorsogon Governor Chiz Escudero, na wala siyang planong sumama sa 2022 presidential race.
Saad pa ni Gov. Chiz, “no money, no resources, not my time, and I’m happy where I am.”
Pero kung tatakbo daw siya sa 2022 polls, may three choices siya, run for Governor again, not run, or run for the Senate if he has the numbers.
Mukha ngang masaya nang maglingkod si Gov. Chiz sa kanyang mga constituents lalo pa at lagi niyang kasama ang wife niyang si Heart at ang twins niyang sina Quino at Chessi.
At tiyak na susuportahan ni Gov. Chiz si Heart at ang GMA Network team na doon magla-lock-in taping ng bagong weekly series ni Heart na I Left My Heart in Sorsogon. (NORA V. CALDERON)
-
6 drug suspects nadamba sa buy bust sa Valenzuela
REHAS na bakal ang kinasadlakan ng anim na hinihinalang sangkot sa ilegal na droga matapos matimbog sa magkahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela city, kahapon ng madaling araw. Sa imbestigasyon ni PCpl Christopher Quiao, dakong 3:20 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) […]
-
Pagsasabatas ng bayanihan 2, malaking tulong sa TUPAD program ng DOLE
NANANALIG ang Department of Labor and Employment (DOLE) na sakaling maisabatas na ng Kongreso ang Bayanihan II o Bayanihan to Recover as One Bill, ay magkakaroon din ng malaking tsansang maaprubahan ang kanilang mga proyekto,partikular na ang TUPAD Program na magsisilbing emergency employment at subsidy program para sa mga nawalan ng trabaho dahil sa covid19. […]
-
DEPLOYMENT NG OFWs SA SAUDI, SINUSPINDE
PANSAMANTALANG sinuspinde ang deployment ng Overseas Filipino workers (OFWs) sa Kingdom of Saudi Arabia (KSA) . Ito ang ipinag-utos ni Labor Secretary Silvestre Bello III kasunod ng natanggap na ulat ng Kagawaran na ang mga umaalis na mga OFWs nire-require ng kanilang mga employer o foreign recruitment agencies nba balikatin ang gastos sa […]