• December 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ginanap sa Coron kasama ang pamilya at piling kaibigan: LUIS, natupad ang plano na tahimik at solemn ang church wedding nila ni JESSY

SA first anniversary ng “Dear SV” sinorpresa ni Kapuso aktres Rhian Ramos si Cong. Sam Verzosa. 
Last February 6 ay isang memorable date yun kay Sam at siyempre ng programa niyang  “Dear SV” kung saan ipinagdiwang ng programa ang first year anniversary.
Nakuha agad ng programa ang puso ng mga manonood, na unang ipinalabas sa CNN, sa pamamagitan ng mga nakaka-inspire na kuwento ng kababayan nating salat sa buhay pero patuloy na lumalaban sa hamon ng buhay.
“Iba po itong programa natin dahil tumutulong po tayo sa mga taong gustong tulungan ang kanilang sarili,” paliwanag ni Sam.
Ayon pa rin sa mambabatas ay gagawin daw nilang mas memorable ang episode ng anibersaryo, kung saan nagbigay-sorpresa si Rhian Ramos.
Si Rhian ang pinakamalapit na babae kay Sam at ang aktres ang  host ng episode. Kung kaya nakadagdag daw para panoorin ng mga televiewers ang “Dear SV”, huh!
Sa buong episode, ang mga indibidwal na natulungang mabago ang buhay ni SV ay nagbahagi ng kanilang taos-pusong papuri at pasasalamat sa pamamagitan ng mga nakaka touch na video messages.
Hindi napigilang tumulo ang luha ni SV habang nakatutok sa mga emosyonal na testimonial, na nagpapatibay sa positibong epekto na naidulot ng show sa ating mga kababayan sa loob ng isang taon.
Ang “Dear SV” ay magpapatuloy na tumulong at bumabo ng buhay ng mga kababayan natin, nananatiling tapat si Sam “SV” Verzosa sa paglikha ng programa na magbibigay inspirasyon at pagasa sa mga tao.
“Mas lalo pang lumalim ang dahilan ko para ipagpatuloy ang Dear SV. Magandang regalo sa akin ito hindi lang dahil nandito si Rhian kundi pati na din sa mga taong natulungan natin.
“Tunay na nakatataba ng puso na makita silang umaahon at patuloy na lumalaban sa buhay dahil lang sa munting tulong na naibigay ko,” mensahe pa niya.
Ang “Dear SV” ay mapapanood tuwing Sabado 11:30 pm sa GMA 7 at online.
***
NATUPAD ang plano ni Luis na gawing tahimik at solemn ang church wedding ng asawang si Jessy Mendiola.
Sa isang simbahan sa Coron, Palawan naganap ang kasalan nung Huwebes Feb. 15, 2024.
Bukod tanging saksi sa kasalang naganap ang malalapit na pamilya at ilang piling piling kaibigan sa loob at labas ng showbiz.
Kung hindi nakadalo sa kanilang garden wedding na ginanap sa San Benito Farm sa Batangas last Feb. 21, 2021 ay present this time sa kanilang church wedding ang pamilya ni Jessy, huh!
Siyempre kumpleto pa rin ang pamilya ni Luis sa pangunguna ng inang Star for All Seasons Vilma Santos, amang Edu Manzano, step father na si Sec. Ralph Recto ang kapatid na si Ryan Christian.
Kabilang naman sa principal sponsors sina ABS-CBN Chief Executive and President Carlo Katigbak, COO for Broadcast Cory Vidanes at ang manager ni Luis na si June Rufino.
Sina Alex Gonzaga at Mikee Morada na nagsilbing secondary sponsors ng dalawa.
Congratulations Luis and Jessy!
(JIMI ESCALA) 
Other News
  • HEART, part ng #SilkYourStyle sa social media campaign ng Italian luxury brand

    QUEEN of Collaborations talaga si Kapuso actress Heart Evangelista!  Ang latest ay nang isa siya sa mga personalities tapped by Italian luxury brand Salvatore Ferragamo para sa latest collaboration. Noong Saturday, June 5, featured na sa brand’s Instagram page si Heart as part of its #SilkYourStyle social media campaign. May caption ito na: “Heart Evangelista is unwaveringly […]

  • PBBM, nanawagan sa PAGCOR na ituloy ang commitment nito sa paglaban sa illicit activity

    NANAWAGAN si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na panatilihin ang commitment  nito na labanan ang illicit activities at tiyakin ang “responsible practices” sa loob ng  gaming industry, habang pinapanatili ang “social relevance.”     “Let this anniversary therefore be a call to the future—a future where PAGCOR is […]

  • Transport Secretary Arthur Tugade nanawagan sa mga tsuper na lumahok sa ‘Service Contracting Program’ ng pamahalaan

    Muling nanawagan si Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade sa mga tsuper ng mga pampublikong sasakyan (PUVs) na magpa-rehistro at lumahok sa “Service Contracting Program” na isinusulong ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).   Nagkaron ng general registration program para sa Service Contracting na ginaganap ang general registration at orientation ng LTFRB […]