• November 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ginang na wanted sa pagtay sa asawa, timbog sa Valenzuela police

LAGLAG sa selda ang 39-anyos na ginang na nasa likod umano ng pagpatay sa kanyang asawang Pakistani nang matunton ng pulisya sa ikinasang manhunt operation sa Valenzuela City.

 

 

Sa kanyang ulat kay NPD OIC Director P/Col. Josefino Ligan, kinilala ni Valenzuela City Police Chief P/Col. Nixon Cayaban ang naarestong akusado na si alyas “Jenna”, residente ng South Balintawak sa Quezon City.

 

 

Ayon kay Col. Cayaban, nasa Top 4 Most Wanted Female Fugitive ng Police Regional Office (PRO) 3 ang akusado kaya nang makatanggap sila ng impormasyon na madalas siyang mamataang nagtutungo sa Brgy. Maysan, agad ikinasa nila ang operasyon ng mga operatiba ng Valenzuela Police Intelligence Section (SIS).

 

Alas-2:50 ng hapon nang maaresto ang akusado ng mga operatiba ng SIS sa Maysan Road, Brgy. Maysan, katuwang ang mga tauhan ng Dinalupihan Police Municipal Station, Bataan Provincial Police Office, MDIT-RIU-NCRPO, Northern MARPSTA sa bisa ng warrant of arrest na inilabas noong Pebrero 13, 2024 ni Dinalupihan, Bataan Regional Trial Court (RTC) Presiding Judge Ma. Lourdes Eltanal Ignacio ng Branch 5 para sa kasong murder na walang inirekomendang piyansa.

 

 

“This is a significant step in ensuring justice for the victim and his family. The apprehension of Jenna demonstrates our relentless pursuit of wanted criminals, regardless of the time that has passed or where they attempt to hide. The joint forces involved in this operation are to be commended for their dedication and coordination,” pahayag ni P/Col. Cayaban.

 

Nagsimula umanong magtago hanggang sa manirahan sa naturang ang akusado matapos matuklasan ng pulisya na sangkot siya sa pagpatay sa kanyang negosyanteng asawa na isang Pakistani national.

 

 

Sa record ng pulisya, pinagbabaril ang dayuhan ng dalawang lalaking sakay ng isang motorsiklo na nagpanggap na customer sa loob mismo ng kanyang resort sa Brgy. Payumo, Dinalupihan, Bataan noong nakaraang taon sa lalawigan ng Bataan.

 

 

Nakatakas ang mga suspek subalit, sa pagsisiyasat ng pulisya ay natuklasan na ang mismong kanyang asawa na Pinay na si alyas Jenna ang nasa likod ng pamamaslang. (Richard Mesa)

Other News
  • Bulacan, tumanggap ng parangal bilang Best Performing LGU

    LUNGSOD NG MALOLOS- Hinirang ang Lalawigan ng Bulacan bilang isa sa mga Best Performing Local Government Unit sa kategoryang Total Doses Administered noong National Vaccination Days sa ginanap na Recognition of the Best Performing Local Government Units on Safety Seal Certification Program, VaxCertPH Program, and National Vaccination Days sa Main Mall Atrium, SM Mall of […]

  • PDu30, walang ipinangako noong 2016 election na may kinalaman sa Chinese ‘incursion’ sa WPS

    SINABI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na wala siyang ipinangako na kahit na ano hinggil sa Chinese ‘incursion’ sa West Philippine Sea, nang tumakbo siya sa pagka-pangulo noong 2016 elections.    “I never, never, in my campaign as President, promise the people that I would re-take the West Philippine Sea. I did not promise that […]

  • Suspensiyon ng payment claims ng mga ospital, ipinagpaliban ng PhilHealth

    Ipinagpaliban muna ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang implementasyon ng isang circular na pansamantalang nagsususpinde sa claims payments ng mga pagamutan.     Ito’y habang nagkakaroon pa ng dayalogo sa pagitan ng state insurer at ng mga naturang pagamutan.     Nauna rito, nabatid na inisyu ng PhilHealth ang Circular No. 2021-0013 na nagtatakda […]