Ginang timbog sa sugal at shabu
- Published on February 24, 2021
- by @peoplesbalita
Balik-kulungan ang isang 45-anyos na ginang matapos makuhanan ng shabu makaraang maaresto ng mga pulis habang naglalaro ng cara y cruz sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi.
Sa report ni SDEU investigator PSSg Carlos Irasquin Jr. kay Valenzuela police chief Col. Fernando Ortega, dakong 6 ng gabi, nagsasagawa ng Oplan Galugad ang mga tauhan ng Sub-Station 8 Ugong sa Sia Compound, Lamesa St. Brgy. Ugong nang maispatan ng mga ito ang isang grupo ng mga tao na naglalaro ng cara y cruz.
Nang mapamansin ng grupo ang presensya ng mga pulis ay mabilis nagtakbuhan ang mga ito sa magkakaibang direksyon habang nagawang maaresto ni PSSg Rodolfo Pidlaoan si Shirley Morales alyas “She” ng No. 6180 Mercado St. Gen. T. De Leon.
Nakuha ni PSMS Loreto Gabol Jr. sa lugar ang tatlong piso coin na gamit bilang ‘pangara’ at P140 bet money habang narekober sa suspek ang isang coin purse na naglalaman ng apat na plastic sachets ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P6,800 ang halaga, postal ID at P100 bill.
Kasong paglabag sa RA 9165 at PD 1602 ang isinampa ng pulisya sa Valenzuela City Prosecutors Office kontra sa suspek na aminadong dati na nakulong dahil sa illegal na droga. (Richard Mesa)
-
Ads January 30, 2025
-
100 pekeng accounts na pag-aari ng pulis at military sa Pilipinas, binura sa Facebook
DUMISTANSIYA ang Malakanyang sa naging hakbang ng Facebook kung saan mahigit 100 pekeng accounts ang na-trace na pag-aari ng police at military units ng Pilipinas ang tinanggal dahil sa “coordinated inauthentic behavior” (CIB). “We leave to the sound judgment and discretion of the popular global social networking company,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque. […]
-
Gilas Pilipinas may friendly game muna bago ang FIBA Asia Cup Qualifiers
GAGAMITIN ng Gilas Pilipinas ang lalahukan nilang friendly games bilang paghahanda sa FIBA Asia Cup 2025 Qualifiers. Aalis ang Gilas patungong Doha sa Pebrero 13 para lumahok sa International Friendly Basketball Championship sa Qatar. Mula Pebrero 14 hanggang 16 ang laro na lalahukan ng host country na Qatar, Egypt, Lebanon at Pilipinas. Makakasama nila si Troy […]