• September 24, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ginang timbog sa sugal at shabu

Balik-kulungan ang isang 45-anyos na ginang matapos makuhanan ng shabu makaraang maaresto ng mga pulis habang naglalaro ng cara y cruz sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi.

 

 

Sa report ni SDEU investigator PSSg Carlos Irasquin Jr. kay Valenzuela police chief Col. Fernando Ortega, dakong 6 ng gabi, nagsasagawa ng Oplan Galugad ang mga tauhan ng Sub-Station 8 Ugong sa Sia Compound, Lamesa St. Brgy. Ugong nang maispatan ng mga ito ang isang grupo ng mga tao na naglalaro ng cara y cruz.

 

 

Nang mapamansin ng grupo ang presensya ng mga pulis ay mabilis nagtakbuhan ang mga ito sa magkakaibang direksyon habang nagawang maaresto ni PSSg Rodolfo Pidlaoan si Shirley Morales alyas “She” ng No. 6180 Mercado St. Gen. T. De Leon.

 

 

Nakuha ni PSMS Loreto Gabol Jr. sa lugar ang tatlong piso coin na gamit bilang ‘pangara’ at P140 bet money habang narekober sa suspek ang isang coin purse na naglalaman ng apat na plastic sachets ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P6,800 ang halaga, postal ID at P100 bill.

 

 

Kasong paglabag sa RA 9165 at PD 1602 ang isinampa ng pulisya sa Valenzuela City Prosecutors Office kontra sa suspek na aminadong dati na nakulong dahil sa illegal na droga.  (Richard Mesa)

Other News
  • Kinagigiliwan na ang kakyutan at kaguwapuhan: MARIAN, confident na pagpapalaki kay SIXTO na tulad ng ginawa kay ZIA

    IT’S Sixto Dantes turn to shine, dahil sa bunsong anak naman nina Dingdong Dantes at Marian Rivera nakatutok ang mga netizens.     Matapos ngang rumatsada ang panganay nilang anak na si Zia Dantes sa mga commercial simula noong baby pa siya, time naman ngayon ni Sixto.     Early last year, inilabas ang first […]

  • Rehabilitation project sa NAIA, sisimulan na sa isang taon

    SISIMULAN na sa susunod na taon ang rehabilitasyon at pagkukumpuni sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).     Ito ang naging pahayag ni National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan  sa press briefing sa Malakanyang  kasunod ng pag-apruba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos na simulan na ang proyekto.     Sinabi ng Kalihim […]

  • 80% ng target population sa NCR, bakunado na – DILG

    Iniulat ni Department of the Interior and Local Go­vernment (DILG) Secretary Eduardo Año na nasa halos 80% na ng target population sa National Capital Region (NCR) at 18% hanggang 30% naman sa mga lalawigan, ang fully vaccinated na laban sa COVID-19.     Aminado naman si Año na malayo pa ito sa kanilang target at […]