GINANG TUMAWID SA KALSADA, PATAY
- Published on March 15, 2022
- by @peoplesbalita
NASAWI ang isang 49-anyos na ginang nang nabangga ng sasakyan habang tumatawid sa kalsada sa Intramuros Maynila Linggo ng hapon.
Naisugod pa sa Ospital ng Maynila ang biktimang si Rodella Florintino Litaw, walang asawa ng Brgy 658 Intramuros Manila subalit dakong alas-3:23 kamakalawa ng hapon ay nalagutan ito ng hininga.
Kinilala naman ang driver ng sasakyan na si Junrel Domingo Aquiles, 30, may-asawa ng 006 Sili St. Evergreen homes Pulang Lupa Las Piñas City na nasa kustodiya na ng pulisya.
Sa ulat ng Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU), dakong alas-12:30 kamakalawa ng hapon nang naganap ang insidente kung saan minamaneho ni Aquiles ang kanyang sasakyan patungo sa direksiyon ng Northbound ng Mel Lopez Boulevard sakop ng Intramuros, Manila nang pagsapit sa harapan ng DPWh Building sa Intramuros Maynila nang nabangga nito ang biktima na noon ay papatawid sa kalsada.
Dahil sa lakas ng pagkakabangga, tumilapon ang katawan ng biktima ng ilang metro at bumagsak sa isang sementadong bahagi ng kalsada.
Agad namang rumesponde ang ambulansiya ng Red Cross at isinugod sa ospital subalit namatay habang ginagamot. (GENE ADSUARA)
-
Malakanyang, pinalagan ang ‘hallucination’ ni Digong Duterte na attack dog ng admin si Trillanes
AYAW patulan ng Malakanyang ang alegasyon ni dating Pangulong Rodrigo “Digong” Roa Duterte na isang ‘attack dog’ ng administrasyon si dating senator Antonio Trillanes IV dahil sa pinakabagong banat at atake ng huli sa una. “Mahirap nang pumatol sa ganyan. Hallucination na ‘yan,” ang sinabi ni Executive Secretary Lucas Bersamin sa mga mamamahayag sa […]
-
Honeymoon nina ALEX at MIKEE sa Amanpulo, sobrang saya kahit naging ‘familymoon’
AFTER a week na ni-reveal ni Alex Gonzaga na naganap ang simple wedding ceremony nila ni Mikee Morado sa kanilang bahay sa Taytay, Rizal last November 2020, may bago na namang ibinahagi ang tv host/actress/vlogger sa kanyang followers. Pagkalipas ng dalawang araw na sila’y naikasal, lumipad ang newly weds papuntang Amanpulo kasama ang […]
-
PBBM ibinahagi ang mga tagumpay sa kaniyang pagbisita sa Japan
IBINAHAGI ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga tagumpay ng kanyang pagbisita sa Japan at iniulat na mabilis na madarama ng mga Pilipino ang mga resulta nito. Nasa 35 na kasunduan ang nilagdaan ni PBBM at kanyang delegasyon kasama ang Japanese government at private sector. Bukod pa rito, nagsilbing pagkakataon […]