• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Giyera sa semis simula na

Mula sa 12 koponang pumasok sa PBA ‘bubble’ ay tanging ang Barangay Ginebra, Meralco, TNT Tropang Giga at Phoenix na lamang ang natira.

 

Didribol ang best-of-five semifinals series ng apat na koponan para sa hangaring makapasok sa Finals ng 2020 PBA Philippine Cup.

 

Lalabanan ng Gin Kings ang Bolts ngayong alas-6:30 ng gabi matapos ang banggaan ng Tropang Giga at Fuel Masters sa alas-3:45 ng hapon sa Game One ng kani-kanilang semis duel sa Angeles University Foundation Gym sa Angeles, Pampanga.

 

Dinomina ng Ginebra ang Meralco sa tatlong beses nilang upakan sa PBA Governor’s Cup Finals.

 

Tinalo ng Gin Kings ang Bolts, 105-91, sa elimination round noong Oktubre 18 na tinampukan ng 20 points ni 6-foot-8 wingman Japeth Aguilar.

 

“Japeth has been pla­ying great basketball so luckily we have a guy that we can match up with him most of the time which will probably give us a better chance of winning games,” sabi ni Meralco head coach Norman Black sa kanilang 6’8 center na si Raymond Almazan.

 

Kumpiyansa naman si Phoenix mentor Topex Robinson sa kanilang tsansa laban sa TNT Tropang Giga ni coach Bong Ravena.

 

“We are always going to be the best version of ourselves and we are going to take our chances against Talk ‘N Text (TNT),” sabi ni Robinson sa kanyang Fuel Masters na yumukod sa Tropang Giga, 91-110, sa eliminasyon noong Oktubre 19.

 

Ito ang unang paghaharap nina Calvin Abueva ng Fuel Masters at Tropang Giga star guard Ray Ray Parks Jr. matapos ang insidente noong Mayo 21, 2019 na isa sa mga na­ging dahilan ng pagkakapataw ng PBA sa ‘The Beast’ ng indefinite suspension.

 

“Magandang match-up ito. Maraming nag-aabang niyan,” sabi ni Abueva, ang 2013 PBA Rookie of the Year, na nakabalik sa PBA matapos ang 16 buwan na suspensyon.

Other News
  • Limitadong vaccine doses, inirekomenda ng OCTA na i-focus sa NCR

    Hinikayat ng mga eksperto mula sa OCTA Research Team ang gobyerno na mag-focus na lang sa pamamahagi ng limitadong suplay ng coronavirus vaccines sa mga lugar na may mataas na coronavirus cases, partikular na rito ang Metro Manila at Calabarzon.     Ayon kay OCTA Research fellow Prof. Ranjit Rye, nakatakda silang magsumite ngayong linggo […]

  • PDu30, inaprubahan ang pondo para sa ayuda para sa 80% ng populasyon sa NCR

    IBINALITA ni Senador Bong Go na inaprubahan na noong Lunes ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pondo para sa financial assistance na ipapamahagi sa mga kwalipikadong indibidwal sa National Capital Region (NCR) na inilagay sa ilalim ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) mula Agosto 6 hanggang 20, 2021.   Nagkakahalaga aniya ito ng P1,000 kada kuwalipikadong […]

  • PRC kinuha ang Angkas para sa saliva test home service

    Kinuha ng Philippine Red Cross (PRC) ang motorcycle taxi service na Angkas para maging katuwang sa ilang serbisyo nila.     Sinabi ni Senator Richard Gordon na mapapalakas ang kapasidad ng Red Cross dahil sa tulong ng Angkas riders.     Dagdag pa ng senador, dadaan sa pagsasanay ang mga riders kasama ang mga pamilya […]