• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Globe at SPEEd, solid pa rin ang partnership para sa ika-7 edisyon ng ‘The EDDYS’

TULUY-TULOY pa rin ang kolaborasyon ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) at Globe para sa taunang pagbibigay-parangal ng The EDDYS.

Ngayong 2024, muling magsasanib-pwersa ang SPEEd at leading telecom sa bansa Globe para sa ika-pitong edisyon ng The EDDYS (Entertainment Editors’ Choice) na gaganapin ngayong Hulyo.

Inaasahang mas magiging malaki at mas exciting ang ika-pitong edisyon ng pagbibigay parangal at pagkilala ng SPEEd sa mga natatangi, de-kalidad na pelikula na ipinalabas noong 2023 kasabay ng pagdagdag nila ng ibang special award.

Ayon kay Miss Yoly C. Crisanto, ang Chief Sustainability and Corporate Communications Officer ng naturang telecom company, isa ito sa mga paraan nila upang mas maisulong pa ang kanilang adbokasiya upang makatulong sa tuluyang pagbangon ng industriya ng pelikulang Pilipino.

Sabi naman ni Salve Asis, entertainment editor ng Pilipino Star Ngayon at Pang Masa, presidente na organisasyon ng mga entertainment editor ng leading broadsheet, websites, entertainment portals and tabloids na mas pagtitibayin ng partnership na ito ang adhikain ng SPEEd na hikayatin, lalong pataasin ang morale at patuloy na magbigay-inspirasyon sa Filipino filmmakers, producers, writers, actors at iba pang kasama sa pagbuo ng isang matino at de-kalibreng pelikula.

Ganundin ang kampanya sa digital movie piracy.

Ang Globe ay kinilala ng Intellectual Property Office of the Philippines (IPOPHL) para sa hindi matatawarang pangako nito sa pangangalaga sa mga intellectual property at paglaban sa digital piracy.

Samantala, Kamakailan naman ay kinumpirma rin ng SPEEd na ang seasoned actor at kilalang sculptor na si Leandro Baldemor ang gagawa ng tropeo para sa The EDDYS ngayong taon.

Bukod sa pagiging versatile actor sa mundo ng showbiz, isa ring magaling na iskultur o wood carver si Leandro na mula rin sa kilalang pamilya ng mga visual artist sa Paete, Laguna.

Karamihan sa mga obra ni Leandro bilang isang manlililok ay mga imahen ng Panginoong Hesukristo, ni Virgin Mary at iba’t ibang mga santo na talagang pang-worldclass ang kalidad at pang-export.

Marami na ring nagawang imahe ng santo si Leandro sa iba’t ibang simbahan sa buong Pilipinas.

Ayon sa aktor, pinag-isipan niyang mabuti kung paano mas pagagandahin at mas patitibayin ang trophy ng The EDDYS, lalo na ang magiging design nito para maging akma sa mission and vision ng SPEEd bilang isang award-giving body sa Pilipinas.

Sa kasalukuyan ay tinatapos na ng aktor at iskultor ang tropeo para sa ika-pitong edisyon ng The EDDYS at nakatakda ang unveiling nito bago ang pinakaaabangang awards night sa darating na Hulyo, 2024.

Nauna rito, inihayag din ng SPEEd bilang pagkilala sa mga naging bahagi ng muling pagbangon ng movie industry, isang special award ang ibibigay sa 7th edition ng The EDDYS.

Dito ay bibigyang-pugay ang mga pangunahing artista na bumida sa highest-grossing films sa bansa na naging daan upang muling sumugod sa sinehan ang mga manonood at manumbalik ang sigla ng pelikulang Pilipino.

Ang SPEEd ay binubuo ng mga current at former entertainment editors ng mga leading broadsheet, top tabloid newspaper at online portals sa Pilipinas.

(ROHN ROMULO) 
Other News
  • Mungkahi ni Concepcion, i-require ang booster cards sa mga NCR establishments

    IMINUNGKAHI ni Presidential adviser for entrepreneurship Joey Concepcion na i-require sa mga customers ang pagpapakita ng COVID-19 booster vaccination cards sa pagpasok sa mga establisimyento sa Kalakhang Maynila.     Ang katwiran ni Concepcion, maaari na itong gawin sa National Capital Region lalo pa’y mayroon itong high vaccination rate.     Ginagawa na rin aniya […]

  • TAYLOR SWIFT, nagwagi ng Album of the Year sa ‘63rd Grammy Awards’; BEYONCE, naka-break ng record

    GINANAP na ang 63rd Grammy Awards sa Los Angeles as hosted by Trevor Noah.      Sa Los Angeles Convention Center ang naging venue ng awards night. At dahil sa COVID-19 pandemic, walang audience ang Grammy at ang pinadalo lang ay ang mga performers, nominees and presenters.     Mga nag-perform ay sina Bad Bunny, […]

  • PLASTIC CRISIS TINALAKAY NG UN SA FRANCE, QC MAYOR BELMONTE KUMATAWAN SA MGA CITY MAYORS AND LEADERS

    KINATAWAN ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang mga mayor at city leaders sa buong mundo sa isinagawang high-level event ng United Nations Treaty on Plastic Pollution sa Paris, France na pinangasiwaan ng French Government at United Nations Environment Programme.     Sinabi ng alkalde kung gaano kahalaga na mapakinggan ang bawat sentimiyento ng mga […]