GMA, waging-wagi sa ‘2024 Platinum Stallion National Media Awards’: RHIAN, tinanghal na Best Primetime Actress para sa pagganap sa ‘Royal Blood’
- Published on February 17, 2024
- by @peoplesbalita
NAG-UWI ng 19 na parangal ang GMA Network sa 2024 Platinum Stallion National Media Awards, kasama ang TV Station of the Year award.
Sa iba’t ibang kategorya sa Telebisyon at Radyo, muling pinatunayan ng Kapuso Network na ito pa rin ang academe’s choice.
Nanalo sa ika-7 beses bilang Regional TV Network of the Year ang regional arm ng GMA — ang GMA Regional TV
Ang flagship AM radio station ng network na DZBB Super Radyo 594 ay muling napili bilang AM Radio Station of the Year.
Tinanghal na Best TV News Program ang award-winning at top-rating na flagship newscast ng GMA Integrated News na 24 Oras.
Tumanggap ng parangal para sa Female News Anchor of the Year at Male News Anchor of the Year ay sina Vicky Morales para sa “24 Oras” at Atom Araullo para sa “State of the Nation,” ayon sa pagkakasunod.
Ang multi-platform leader ng GMA Public Affairs at multi-awarded show na “Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS)” ay nag-uwi ng isa pang Best News Magazine Program Award.
Tinanghal ding Best Morning Show ang longest-running morning show sa bansa, ang “Unang Hirit.
Ang pagkapanalo ng Best Documentary TV Show Award ay ang pinaka-kinikilalang public affairs show na “Reporter’s Notebook.”
Kinilala bilang Best Public Service Program Host Award ang beteranong mamamahayag na si Emil Sumangil para sa “Resibo: Walang Lusot ang May Atraso.”
Sa pagpapatunay ng kahusayan sa paggawa ng superior entertainment, ang GMA Entertainment Group ay nagkamit ng iba’t ibang pagkilala.
Ang “Royal Blood,” ang biggest murder mystery sa primetime TV, ay nagwagi bilang Best Primetime Drama Series.
Nanalo bilang Best Game Show ang top-rating game show na Family Feud, hosted by Kapuso Primetime King Dingdong Dantes.
Muling ginawaran bilang Best Comedy Program ang Pepito Manaloto.
Samantala, pinatunayan ang kanilang natatanging talento at husay sa larangan ng entertainment ay ang mga Kapuso personalities na si Rhian Ramos, na nanalo ng Best Primetime Actress Award para sa “Royal Blood”; Pokwang, na tumanggap ng Best Variety Show Host Award para sa “TiktoClock”; at Ashley Ortega, na ginawaran ng Breakthrough Artist of the Year Award para sa “Hearts on Ice.”
Ang GMA Synergy sportscaster at 24 Oras Game Changer segment host na si Martin Javier ay napili rin ng award-giving body bilang Best TV Sports Program Host.
Panghuli sa mga awards na nakuha ng Kapuso Network, ay isa pang hanay ng mga parangal para sa pelikula ng GMA Pictures at ng GMA Public Affairs na “Firefly.” Si Zig Dulay ay nanalo ng Director of the Year Award, habang si Euwenn Mikael ay tinanghal na Child Star of the Year.
Itinatag noong 2015, kinikilala ng Platinum Stallion National Media Awards ng Trinity University of Asia ang mga indibidwal at institusyon para sa kanilang mga kontribusyon sa industriya na nagbibigay inspirasyon sa komunidad ng Trinitarian.
(ROHN ROMULO)
-
Saso magaling, malakas na babalikwas sa 2021
ISANG mas magaling at malakas na Yuka Saso ang babalik para sa 54th Ladies Professional Golf Association (LPGA) of Japan Tour 2021. Ipinangako ito ng 19-anyos na bagitong top Philippine pro player kasunod nang pagmintis sa ibabaw ng Player of Year (Mercedes rankings) sa paglulunsad ng kanyang career sa mayamang region’s circuit na natapos nito […]
-
Bigas ang dapat pagtuunan ng pansin ngayon ng gobyerno upang humupa ang inflation – Salceda
BINIGYANG- DIIN ni House Ways and Means Committee Chairman at Albay Second District Representative Joey Salceda na bigas ang dapat pagtuunan ng pansin ng gobyerno sa ngayon upang mapahupa ang inflation sa bansa. Pahayag ito ni Salceda matapos iulat ng Philippine Statistics Authority na sumipa sa 3.4 percent ang headline inflation rate nuong […]
-
Robredo camp nakahanda sa mas marami pang ‘dirty tricks’ ng kalaban
INAASAHANG mas darami pa ang “dirty tricks” at propaganda ng mga katunggaling partido kaya nakahanda ang kampo nina Vice President Leni Robredo at running mate na si Senador Francis “Kiko”Pangilinan. “Nararamdaman na ng mga kalaban ang init kaya sagad-sagarin na ang kanilang maduming propaganda para hadlangan ang pag-usad ng kampanyang Leni-Kiko,” ani senatorial […]