• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Go, may buwelta naman kay Gordon

Nagmistulang domino effect na ang pasaring ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ilang senador.

 

 

Dahil matapos ang mga panibagong banat ng presidente, bumuwelta naman agad si Senate blue ribbon committee chairman Sen. Richard Gordon.

 

 

Bagama’t hindi raw siya natitinag sa personal na mga atake, hindi raw naman niya mapigilang hindi sumagot para sa institusyon na nagsasagawa lang ng imbestigasyon, laban sa korapsyon.

 

 

Maging si Sen. Bong Go na malapit sa pangulo ay naging target na rin ni Gordon.

 

 

“The question na dapat natin maintindihan dito ay ano ba talaga role ni Bong Go. Is he working with the Senate or is he still working with the President? We’re not a parliamentary system of government,” wika ni Gordon.

 

 

Habang sa panig ni Sen. Go, nagtataka ito kung bakit pinupuna ng ilang kapwa senador ang pagiging malapit niya sa presidente.

 

 

Dati raw kasi, mismong ang mga bumabatikos ang nakikisuyo upang idulog niya kay Pangulong Duterte ang ilang isyu.

 

 

Dagdag pa ng senador, hindi siya kailanman nasangkot sa katiwalian at lalong hindi naging hadlang sa kaniyang trabaho ang pagganap ng ilang aktibidad na kasama ang punong ehekutibo.

 

 

Kaya banat niya sa mga kritiko: “Ano ang karapatan mong kuwestiyunin ang pagiging malapit ko sa pangulo. Nangako ako sa Pangulo na hindi ko siya iiwanan habambuhay at amin na lang yun dahil mahal ko ang Pangulo.” (Daris Jose)

Other News
  • COA , natuklasan ang 3,707 OFWs na makailang ulit na gumamit ng emergency repatriation

    TINATAYANG 4,000 overseas Filipino workers (OFWs) ang gumamit  ng libreng  byahe pabalik ng Pinas hindi lamang isang beses kundi limang beses  sa kasagsagan ng  COVID-19 pandemic.     Hiniling ng Commission on Audit (COA)  sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na ipaliwanag kung paano ang 3,707 OFWs ay gumamit ng makailang ulit na emergency repatriation […]

  • Matindi silang maglalaban sa Best Actress: JUDY ANN, walang panghihinayang na ‘di nakasama si VILMA sa ‘Espantaho’

    SA panahon ng Pasko, maghanda para sa isang hindi malilimutang cinematic experience na hatid ng Quantum Films sa mga manonood ang “Espantaho” para sa 50th Metro Manila Film Festival (MMFF).     Ang “Espantaho,” isang nakagigimbal na horror-drama na mula sa master ng Philippine horror cinema na si Chito S. Rono.     Sa naturang […]

  • Hero’s welcome kay Yulo ikinakasa sa Maynila

    NAGHAHANDA na ang mga Manileño sa gaga­wing hero’s welcome para kay Carlos Edriel “Caloy” Yulo makaraang masungkit nito ang gold medal sa men’s artistic gymnastics floor exercise sa Paris 2024 Olympic nitong Sabado.     “Manileño po si Caloy Yulo. Taga-Leveriza. Kaya sobrang proud at happy po kami para sa kanya,” pahayag ni Manila 3rd […]