Go signal ng DBM sa paglikha ng 5K DSWD regular positions, welcome sa DSWD
- Published on October 17, 2024
- by @peoplesbalita
WELCOME kay Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian ang paglikha ng 5,000 regular positions para sa mga empleyado ng departamento.
Sa pagpapatuloy ng deliberasyon sa Senado hinggil sa panukalang budget ng DSWD para sa 2025, sinabi ni Department of Budget and Management (DBM) Assistant Secretary Leonido Pulido III kay Senate Committee on Finance chairman Senator Imee Marcos na nagpapatuloy ang pagsisikap ang DSWD “in order to start the regularization of at least 4,000 to 5,000 of the existing contractual positions.”
“Madame Chair, kung ‘yun po ang report ng DBM, we will be very happy,” ang sinabi ni Gatchalian bilang tugon sa pahayag ni Pulido.
Umaasa rin si Gatchalian na ngayong taon malilikha ang naturang mga posisyon.
Sa isinagawang budget deliberation, sinabi ni Gatchalian sa komite na na-convert na ng departamento ang 6,135 contract of service (COS) sa contractual employees mula sa oras na itinalaga siya bilang Kalihim ng DSWD.
Sa kabilang dako, sa budget hearing noong Sept. 16, sinabi ni Gatchalian na itutulak ng departamento ang mas maraming plantilla positions para sa job security ng mga empleyado nito lalo na iyong mga nasa ilalim ng COS at job orders (JOs) at iyong mga matagal na sa departamento.
“Madame, what we did was we went ahead. I volunteered to engage DBM. So, we did engage the DBM and we sent a copy to the Senate, as well, of our request to DBM. We had numerous meetings,” ang sinabi ni Gatchalian.
“The agency is embarking on the gradual transition of COS and JOs into more stable positions, particularly the personnel of the Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps),” ang sinabi pa ng Kalihim. (Daris Jose)
-
Mga NBA players na COVID-19 positive, umaasang makakalaro pa rin sa season restart
Kampante ang mga karagdagang NBA players na dinapuan kamakailan ng coronavirus na makakapaglaro sila sa oras na magpatuloy nang muli ang 2019-20 season sa susunod na buwan. Ayon kay Sacramento Kings forward Jabari Parker, maganda raw ang usad ng kanyang recovery matapos sumailalim sa self-isolation sa Chicago. “Several days ago I tested positive […]
-
Balitang nakaranas ng mild heart attack si Pangulong Duterte, fake news -PCOO
FAKE NEWS ang sigaw ni Presidential Communications Operation Office (PCOO) Secretary Martin Andanar sa kumalat na balitang dumaan sa mild heart attack si Pangulong Rodrigo Roa Duterte. Sa post ni Sec. Andanar sa kanyang Facebook account ay ipinakita nito ang isang screen shot ng nagpakilalang Maharlika.TV na nagsabing …. “Breaking News: Sources say Duterte […]
-
Tiyak na magmamarka rin sa kanilang pelikula: DIMPLES, sobrang taas ng respeto kina JAKE at SEAN
GIVEN na ‘yung eksena sa pagitan nina Jake Cuenca at Sean de Guzman sa 2020 MMFF entry na “My Father, Myself” na magmamarka sa trailer. Pero sigurado kaming hindi rin pwedeng hindi magmarka ‘yung scene ni Dimples Romana at ‘yung binitawan niyang linya. Sabi namin sa kanya, isa siya sa kilalang mahusay at trusted actress […]