Gobyerno, dapat na magbigay ng insentibo para makaakit ng e-vehicle investors—PBBM
- Published on October 25, 2024
- by @peoplesbalita
SINABI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na kailangan na magbigay ng insentibo kung nais ng Pilipinas na makaakit ng mas maraming investors sa e-mobility industry ng bansa.
Inihayag ito ng Pangulo sa isinagawang sectoral meeting sa Palasyo ng Malakanyang, araw ng Martes, Oct. 22, kung saan nakapulong ng Pangulo ang mga opisyal ng Department of Science and Technology (DOST) at kinauukulang ahensiya ng pamahalaan para talakayin kung paano ide-develop at pananatilihin ang Philippine e-mobility industry sa pamamagitan ng siyensiya, teknolohiya at innovation.
Winika ng Pangulo na nais niya ang pinahusay na inisyatiba para palakasin ang e-mobility industry ng bansa, binigyang-diin ang pangangailangan na magbigay ng insentibo para maka- attract ng mas maraming investors.
“We need investors to come in. Of course we’ll provide incentives from the government. That’s what we need to do. We need incentives for investors to come in. Hopefully local,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa naturang pulong.
“But we’ll take anybody who’s interested. But then they will have to undertake the production design to scale it up to a level to actually make a difference to the market,” aniya pa rin.
Tinuran pa ng Pangulo na hindi problema ang disenyo pagdating sa e-mobility ng bansa kundi sa ‘scaling’ ng industriya.
“We’re always running into the same problem – it’s the scaling. Production design. Then the investment. How do we (attract investments). That’s the hardest part of this. A high school science student can design an e-trike. Walang problema yun because again the technology is so simple, so well-understood. But it’s the scaling,” ayon sa Chief Executive.
Sa kabilang dako, sinabi naman ni DOST Secretary Renato Solidum Jr. na naghihintay lamang ang mga potensiyal na mga investor para sa isang policy statement mula sa gobyerno.
Naghihintay din aniya ang mga manufacturers at fabricators para sa government policy.
Binigyang diin naman ni Solidum na makalilikha ang e-mobility industry ng mas maraming trabaho sa ‘maintenance, after-sales service at at iba pang serbisyo.’
Pagdating naman sa government policy, lumilikha naman ang Department of Trade and Industry (DTI) ng strategic roadmap sa ilalim ng Electric Vehicle Industry Development (EVIDA) para bumalangkas ng mga polisiya at makaisip ng posibleng insentibo para suportahan ang e-vehicles.
“Another initiative is by working with locally owned ToJo Motors to figure out the necessary policies to make it conducive for locally manufactured e-vehicle, specifically e-trikes and e-jeepneys to operate in the Philippines,” ayon kay Solidum.
Pagdating naman sa produksyon, sinabi ni Solidum kay Pangulong Marcos na ang e-trikes ay magiging ‘mass produced’ sa Isabela sa lalong madaling panahon.
Marami aniyang customers ang naghihintay para sa electric trikes sa merkado.
Samantala, interesado rin ang mga opisyal ng General Santos City kasama ang mga tricycle operators.
“Local agri-machinery manufacturers could help speed up trike production,”ang sinabi ni Solidum.
Sa ulat, “as of Oct. 18,” mayroong 25,196 registered e-vehicles (EVs) at 705 EV charging stations (EVCS) sa bansa na may 92 accredited EVCS providers. Ang mga providers aniya ay makalilikha ng 10,407 bagong trabaho at P1.99 bilyon na investments. (Daris Jose)
-
Bigo man sa titulong ‘Queen of the Mothertucking World’: MARINA, nag-iisang Asian na umabot sa Top 4 sa ‘RuPaul’s Drag Race: UK vs. the World’
BIGO na mapanalunan ng Pinay Drag Artist na si Marina Summers ang titulo na Queen of the Mothertucking World sa ‘RuPaul’s Drag Race: UK vs. the World’. Ang nagwagi ay si Tia Kofi ng UK. Umabot sa Top 4 si Marina pero napauwi siya nang hindi siya magwagi sa lipsync showdown. […]
-
Tentative list ng mga kandidato para sa 2022 polls inilabas na ng Comelec
Inilabas na ng Commission on Elections (Comelec) ngayong araw ng Biyernes, Oktubre 29, ang tentative list ng mga kandidato para sa national at local elections sa 2022. Sa kanyang Twitter account, sinabi ni Comelec spokesperson James Jimenez na maari nang makita ang tentative list ng mga kandidato para sa halalan sa susunod na […]
-
Foreigners bawal na sa NCAA; Kobe Paras umalma
Hindi na umano mababali ang desisyon ng NCAA na ipagbawal ang paglalaro ng mga foreign student-athletes sa lahat ng sports simula sa Season 96. Ito ang nilinaw ni Management Committee chair Fr. Vic Calvo ng host Letran kaugnay sa nabuong desisyon. Agad namang bumuhos ang sentimiyento ng publiko sa social media at sinabing napakalupit ng desisyon at hindi […]