Gobyerno handa na sa pagbabakuna
- Published on February 10, 2021
- by @peoplesbalita
Tiniyak kahapon ng Malacañang na nakahanda na ang gobyerno sa gagawing pagbabakuna laban sa COVID-19 sa susunod na linggo.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang unang batch ng bakuna mula sa COVAX facility ay darating sa kalagitnaan ng Pebrero.
Ilang tulog na lang aniya ay magsisimula na ang vaccination drive na napaghandaan naman ng gobyerno.
“Ilang tulog na lang, mga kaibigan, at dadating na ang unang batch ng ating bakuna. Ready or not, handang-handa po ang ating gobyerno para magsimula ang ating vaccination drive itong ika-15 ng Pebrero,” ani Roque.
Nilinaw din ni Roque na maisasagawa kaagad ang pagbabakuna isa o dalawang araw pagkatapos dumating ng suplay sa bansa.
“It’s just a matter of when the plane carrying the Pfizer vaccines will actually land in NAIA (Ninoy Aquino International Airport),” ani Roque.
Ang mga health workers ang nangunguna sa listahan ng mga bibigyan ng bakuna.
Aabot sa 10 milyong doses ng COVID-19 vaccine ang makukuha ng Pilipinas sa COVAX facility sa unang quarter ng taon kabilang na ang 117,000 doses ng Pfizer vaccine.
-
Kelot na nag-abandona sa pamilya, arestado sa Malabon
REHAS na bakal ang kinasadlakan ng 36-anyos na lalaki matapos arestuhin ng pulisya sa bisa ng warrant of arrest nang kasuhan siya ng dating kalive-in makaraang mabigong sustentuhan ang lima nilang anak sa Malabon City. Nagmakaawa pa si Mondido Rosales sa dating kalive-in na itinago sa pangalang “Gina” na patawarin na siya sa […]
-
Tuluy-tuloy na bloodless war on drugs in PBBM magreresulta sa maraming pagkumpiska, pag-aresto
WALANG pag-aalinlangan ang isang matataas na opisyal ng Kamara na ang anti-drug operations ng administrasyon ni Pangulong Marcos ay mas magiging matagumpay sa pinaigting na operasyon ng mga otoridad subalit mas konti ang inaasahang mamamatay. “The 52% significant drop in the number of fatalities, as reported by PDEA (Philippine Drug Enforcement Authority) is […]
-
Nadal hindi pa tiyak kung makapaglaro sa US Open
Hindi pa matiyak ni Spanish tennis star Rafael Nadal kung maidedepensahan pa niya ang kaniyang titulo sa US Open. Kasunod ito ng anunsiyo niya na lalahok siya sa Madrid Open. Isasagawa kasi mula Agosto 31 hanggang Setyembre 13 ang US Open sa New York habang ang Madrid Open ay gagawin sa Setyembre 14. […]