Gobyerno, kailangan ng mag-hire ng 2,855 health workers
- Published on August 6, 2020
- by @peoplesbalita
PANAHON na para mag-hire ang gobyerno ng 2,855 health workers para tumulong sa paglaban sa COVID-19 pandemic.
Ito ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles ay dahil patuloy na nakikita ng bansa ang patuloy na pagsirit ng bilang ng virus infections.
Sa nasabing bilang 9,365 ang kailangan na health workers.
Sa ngayon, ang pamahalaan ay mayroon nang napunan na 6,510 positions o katumbas ng 69.51 percent.
“Tayo po sa pamahalaan ay actively nagre-recruit pa po ng health workers,” ayon kay Nograles.
Mapapansin sa kasalukuyan na ang mga health workers ay headlines sa balita matapos umapela ang mga ito sa pamahalaan ng ‘timeout’ mula sa overwork at safety concerns dulot ng patuloy na pagtaas ng COVID-19 cases sa bansa.
‘As of Aug. 2,’ sinabi ng health department na mayroong 5,096 confirmed COVID-19 cases sa hanay ng mga health workers, kung saan ay 405 ang active cases.
Nitong linggo ay tinugon ni Pangulong Duterte ang panawagan ng mga health workers na ibalik ang Metro Manila sa stricter community quarantine dahil sa hirap na nararanasan na nila sa paglaban sa virus.
Ang modified enhanced community quarantine ay ipinatutupad ngayon sa Bulacan, Laguna, Cavite, at Rizal at nakatakdang magtapos sa Agosto 18.
Sinabi ni Nograles na ang pagtugon ni Pangulong Duterte sa nasabing panawagan ay malinaw na isa itong “listening leader.”
“Hindi naman po caved in, nakinig si Pangulo sa side ng ating mga health workers dahil si Pangulo naman ay President na nakikinig sa lahat ng angles at multi-sectoral ang approach natin,” aniya pa rin. (Daris Jose)
-
Pagbalik sa mandatory face mask policy, kasunod ng pagtaas ng Covid cases, ipinauubaya na sa IATF,DOH – PBBM
WALA pang nakikitang pangangailangan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na ibalik ang mandatory na pagsusuot ng face mask, sa kabila ng pagtaas muli ng Covid-19 cases sa bansa. Sa isang panayam sinabi ng Chief Executive na kailangan pag-aralan nito muli. Ayon sa Pangulo dapat maging masigasig muli sa paghihikayat na magpa […]
-
COVID tests sa mga college athletes hindi na mandatory
HINDI na mandatory na sumailalim sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) testing ang mga atletang estudyante kapag nagdesisyon ang mga higher educational institution (HEI) ng kanilang training. Ito ang naging pahayag ng technical working group na binubuo ng Commission on Higher Education (CHEd), Philippine Sports Commission, Games and Amusement Board at Department of Health. […]
-
Azkals star James Younghusband, inanunsyo ang pagreretiro sa football
Pormal nang nagretiro sa paglalaro ng football si Philippine Azkals star James Younghusband. Anunsyo ito ni Younghusband sa social media, pitong buwan makaraang tuldukan na rin ng kanyang nakababatang kapatid na si Phil ang kanyang karera sa football. Sa kanyang social media post, todo pasalamat ang 33-anyos na si Younghusband sa lahat ng […]