• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Gobyerno, nagbago na ng approach para i-maximize ang suplay ng tubig sa Mindanao sa gitna ng La Niña-PBBM

NAGBAGO na ng atake at hakbang ang gobyerno para i-maximize ang suplay ng tubig sa gitna ng La Niña phenomenon na inaasahan na tatama sa maraming bahagi ng Mindanao sa huling bahagi ng taong kasalukuyan.

 

 

“Nagbago na talaga ang approach sa flood control, sa irrigation at lahat. Kaya’t ‘yun ang sinusundan namin ngayon,” ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

 

 

Ang pahayag na ito ng Pangulo ay matapos tanungin hinggil sa magiging tugon ng pamahalaan sa low-lying areas sa Cotabato at Maguindanao sa sidelines ng inagurasyon ng Malitubog-Maridagao Irrigation Project Stage II (MMIP II).

 

 

Winika ng Pangulo na aalamin ng pamahalaan ang partikular na magiging gamit ng tubig, kung ito’y para sa irigasyon, hydro, o gamit sa bahay.

 

 

“Ang approach ngayon, lahat ng ginagawa na ito kung mayroon isang kasama d’yan ang irrigation, kasama d’yan ang fresh water supply. Kasama d’yan ang flood control at kasama na d’yan ‘yung patubig na para sa mga magsasaka,” aniya pa rin.

 

 

Tinuran pa rin nito na maraming mga bagong teknolohiya ang akma sa magiging tugon ng pamahalaan sa La Niña phenomenon.

 

 

Kabilang sa mga ito ay ang paglikha o pagtatayo ng mas maraming dams na magtatampok sa multiple functions gaya ng pag-convert ng tubig para gamit sa bahay, para sa irigasyon, flood control at hydro-electric power. (Daris Jose)

Other News
  • Ads August 2, 2021

  • SBP nagpaplano na para sa FIBA ACQ hosting

    Simula na ang planning session ng Sama­hang Basketbol ng Pilipinas (SBP) para sa hosting ng bansa ng FIBA Asia Cup Qualifiers sa Pebrero.   Nagsagawa na ang mga opisyales ng SBP ng ocular inspection sa Angeles University Foundation gym sa Angeles, Pampanga na posibleng pagdausan ng mga laro.   Binisita rin ng SBP ang Quest […]

  • LTO: 15-hour Theoretical Driving Course kailangan sa pagkuha ng driver’s license

    Ang mga aplikante nakukuha ng student driver’s permit ay kinakailangan munang kumuha ng 15-hour theoretical  driving course sa ilalim ng ahensya o di kaya ay sa mga accredited na driving schools simula sa August 3.   “Effective July 1, we will be suspending the issuance of student permits because by August, we will be requiring […]