• March 16, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Gobyerno ni PBBM, muling bibisitahin ang 2025 growth targets sa gitna ng ‘kawalang-katiyakan’

MULING bibisitahin ng mga economic official ng administrasyong Marcos ang kanilang macroeconomic targets sa gitna ng “kawalang-katiyakan” na nagsisilbing banta sa buong global economy.
Sinabi ni National Economic and Development Authority (Neda) na ang pinakamahalang data na ipinalabas noong second quarter ay magiging pangunahing konsiderasyon para sa magiging desisyon ng mga economic manager kung ia-adjust ang kanilang targets o panatilihin na lamang ang mga ito.
“We’ll see. There are many things happening. Especially with all this uncertainty in the global economy. We need to revisit [our targets],” ayon kay Balisacan.
“We don’t have any data right now except for inflation and employment. But we need economic performance information. It’s too early to change [the targets] at this point,” dagdag na pahayag ni Balisacan.
Ang Gross domestic product (GDP), ang kabuuan ng lahat ng mga produkto at serbisyo na nilikha sa loob ng ekonomiya, pinalawig sa average rate na 5.6% para sa buong 2024, taon na minarkahan ng malakas na bagyo at mataas na tubig-baha.
“While that pace of expansion was a little faster than the 5.5-percent growth in 2023, the latest reading fell short of the revised 6 to 6.5 percent goal of the Marcos administration, marking the second year of below-target GDP growth,” ayon sa NEDA.
Para sa taong kasalukuyang hanggang sa matapos ang termino ng Pangulo sa 2028, target ng pamahalaan na palaguin ang ekonomiya sa pagitan ng 6% hanggang 8%.
Subalit, naniniwala naman ang ilang analysts na ang mababaw na pagpapagaan sa cycle ay maaaring pumigil sa eknomiya mula sa paghahayag ng mas malakas na paglago.
Sa kabilang dako, sa isinagawang unang policy meeting para ngayong taon, nagdesisyon ang BSP na panatilihin ang benchmark rate na karaniwang giinagamit ng mga bangko bilang guide kapag ang pricing loans ay umabot ng 5.75%, tinukoy ang pangangailangan na ipagtanggol ang ekonomiya at inflation outlook laban sa“unusual” uncertainties na nagmula sa kinabig na tariff actions sa Estados Unidos.
“The good news is a benign inflation that eased more than expected in February could provide the central bank more room to further cut borrowing costs,” ayon sa ulat.
Ang paliwanag naman ni Balisacan, ang gobyerno ay dapat na “flexible” at “watchful” para kontrahin ang external headwinds. ( Daris Jose)
Other News
  • 3 PUGANTENG DAYUHAN, INARESTO SA TELCO FRAUD AT ECONOMIC CRIMES

    INARESTO ng Bureau of Immigration (BI) ang dalawang South Koreans na wanted sa telecom fraud at isang Chinese national na kinasuhan ng economic crimes sa kanilang bansa.     Kinilala ni BI Commissioner Jaime Morente ang dalawang South Koreans na sina Kim Changhan, 25, at Kim Junhee, 38, matapos maaresto ng mga operatiba ng fugitive […]

  • FANS CHAMPION “BLACK ADAM” WORLDWIDE, SEEN TO DOMINATE PH BOX-OFFICE THROUGH LONG WEEKEND

    October 26, 2022 – DC universe’s fan-favorite antihero “Black Adam” electrified the global box office this weekend with a raging $140 million, becoming Dwayne Johnson’s biggest solo opening ever (outside the ensemble-led “Fast & Furious” franchise). [Watch the featurette “Black Adam: From Soul to Screen” at https://youtu.be/3-mscP3eIts] Bringing the superhero’s compelling origin story to the big […]

  • ‘Mga detalye ng nilulutong Mikey Garcia-Pacquiao bout, malalaman sa mga susunod na araw’

    Inaasahan umanong malalaman na sa mga susunod na araw ang detalye ng pinaplantsang bakbakan sa pagitan nina American welterweight contender Mikey Garcia at Pinoy ring icon Sen. Manny Pacquiao.     Ayon kay Garcia, posibleng ilabas na raw sa mga susunod na araw ang petsa at lokasyon ng magiging laban nila ng Fighting Senator.   […]