Gobyerno, patuloy na kakalingain ang mga lubos na nangangailangan-PBBM
- Published on July 27, 2022
- by @peoplesbalita
PATULOY na kakalingain ng gobyerno ang mga kababayan na lubos na nangangailangan.
“Hindi po natin sila pababayaan,” ang pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang unang State of the Nation Address (SONA) sa Batasang Pambansa Complex sa Quezon City, araw ng Lunes, Hulyo 25.
Mangunguna aniya sa pag-aagapay sa mga ito ang Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Kaya ang utos niya sa DSWD ay ang mabilis na pagtugon sa pangangailangan ng mga biktima ng kalamidad at mga iba’t ibang krisis.
Ang mga field office aniya ng DSWD ay ay inatasan na maagang maglagak ng family food packs at non-food essentials sa mga LGU, bago pa man manalasa ang anumang kalamidad.
Sinabi pa ng Pangulo na magdadagdag din ang pamahalaan ng mga operations center, warehouse at imbakan ng relief goods, lalo na sa mga malalayong lugar na mahirap marating.
Titiyakin din aniya ng gobyerno na maayos ang koordinasyon ng DSWD at Department of Human Settlements and Urban Development ng sa ganun, madali ang pagpapatupad ng Emergency Shelter Assistance program para sa mga biktima ng kahit anong kalamidad.
Pagtitibayin din aniya niya ang komprehensibong programang ‘Assistance to Individuals in Crisis Situations’ o ang tinatawag na AICS, para maiparating ang tulong sa mas maraming biktima.
Siniguro naman ng Pangulo na hindi niya pahihirapan ang mga biktima ng krisis na dudulog sa ahensiya — “gagawin nating simple ang proseso ng paghingi at pagpaparating ng tulong. Dahil hindi naman dapat dinadagdagan pa ang hirap na nararanasan ng ating mga mamamayan. ”
“Upang matiyak na mapupunta sa kwalipikadong mga pamilya ang tulong ng pamahalaan sa pamamagitan ng 4Ps o Pantawid Pamilyang Pilipino Program, titiyakin natin na malilinis ang listahan ng benipisyaryo,” ani Pangulong Marcos.
Samantala, ibinalita naman nito na higit na sa isang milyong pangalan na ang naka-graduate na sa listahan.
“At nagagalak akong mabatid na sila ay nakakatayo na sa kanilang sariling paa,” ayon kay Pangulong Marcos.
Kaugnay nito ay inutusan aniya niya ng DSWD na pag-ibayuhin pa ang pag-repaso ng listahan upang maitutok ang pamimigay ng sapat na ayuda sa mga lubos na nangangailangang pamilya.
Bukod dito, magpapatuloy din aniya ang supplemental feeding program para sa mga bata sa Child Development Centers at Supervised Neighborhood Play, at lalo pa aniya niyang palalawakin ito sa taong 2023.
Hindi rin aniya niya nakakalimutan ang mga solo parents at mga nanay na nahiwalay sa kanilang mga mister dahil sa karahasan.
“Pagtitibayin natin ang programa sa Violence Against Women and Their Children, kabilang na ang counselling para sa mga biktima, katuwang ang ating mga LGU,” ayon sa Pangulo.
“Tiyakin natin na sapat ang pondo sa halos pitumpong residential care centers at pitong non-residential care centers para sa vulnerable sectors at persons with disabilities na sumisilong dito,” dagdag na pahayag nito. (Daris Jose)
-
Tinawag na ‘hot mama’ at ‘hot lola’ ng mga netizens: JACKIE LOU, kaya pa ring makipagsabayan sa mga sexy young stars
KAYA pa ring makipagsabayan ni Jackie Lou Blanco sa mga seksing young stars ngayon. Kelan lang ay nilantad ni Jackie ang beach bod sa isang Instagram photo kunsaan suot niya ay isang black halter top at red bikini bottom. Pinakita ng actress-singer-TV host ang kanyang abs at nilagyan niya ng caption ang photo […]
-
DBM binida baryang wage hike! Kahit 3-in-1 coffee ‘di pasok sa budget
“ANONG umento sa mga kawani ng gobyerno sa 2023 [ang] ipinagmamalaki ng DBM (Department of Budget and Management) gayung ni hindi makabili ng 1 sachet ng 3-in-1 coffee ang barat na umentong binigay ng pamahalaan sa nakaraang apat na taon?” Ito ang patutsada ni Alliance of Concerned Teachers (ACT) chairperson Vladimer Quetua sa […]
-
Navotas ipapatupad ang bagong oras ng trabaho
MAGPAPATUPAD ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng bagong iskedyul ng oras sa trabaho simula Mayo 2, 2024. Ito’y matapos lagdaan ni Mayor John Rey Tiangco ang Executive Order (EO) No. JRT-016, na nagsasaad ng pagbabago ng oras ng trabaho sa pamahalaang lungsod mula 8am-5pm hanggang 7am-4pm alinsunod sa Metropolitan Manila Council (MMC) Resolution […]