Gobyerno patuloy na titiyakin ang food security sa bansa-PBBM
- Published on July 25, 2024
- by @peoplesbalita
TINIYAK ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na patuloy na titiyakin ng gobyerno ang food security sa bansa at gawing ‘affordable’ ang pagkain sa publiko.
Sa kanyang ikatlong State of the Nation Address (SONA), sinabi ni Pangulong Marcos na habang umani ang Pilipinas ng mahigit sa 20 milyong tonelada ng palay noong nakaraang taon kapos pa rin para punan ang 16 milyong tonelada ng rice requirement ng bansa.
“Kaya patuloy nating sinusuportahan ang sektor ng agrikultura, upang mapabilis, mapadali, at mapalakas ang produksyon — mula sa pagpunla, pag-ani at paghuli, hanggang sa pagbiyahe at pagbenta — upang maiwasan din ang pagkasira ng mga produkto,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.
“Nitong nakalipas na taon, higit isandaang milyong kilo ng mga sari-saring binhi, suwi, at pataba ang ipinamahagi sa mga magsasaka. Namigay rin ang pamahalaan ng mahigit tatlong daang libong inahin upang ito ay maparami,” aniya pa rin.
Pagdating naman sa palaisdaan nagpalabas ang gobyerno ng mahigit sa 500 milyong fingerlings at 3,000 fishing boats.
“It also rehabilitated fish ports to support the industry,” ayon sa Pangulo.
Ipinaabot din ng pamahalaan ang ‘technical and financial assistance’ para tulungan ang mga players sa agriculture sector na marami ang bagong kaalaman sa ‘production and sourcing’ ng capital.
“It is also ready to provide livestock raisers with African Swine Fever vaccine to protect farmers and raisers from future losses,” ang tinuran ni Pangulong Marcos.
“The government is also carrying measures to stabilize prices and boost the country’s food supply. Because of compelling emergency reasons, such as illegal price manipulations by hoarders, the government was constrained to temporarily implement mandated price ceilings on rice,” ang paliwanag ni Pangulong Marcos.
“We also extended the reduced tariff rates to facilitate the importation of rice, corn, and pork until the end of this year. Tinitiyak ko sa ating mga magsasaka at sa buong sektor ng agrikultura na ang mga ito ay pawang pang-gipitang solusyon lamang,” aniya pa rin.
“Also part of government’s thrust to ensure food security is giving land to the landless. In the last two years, more than 130,000 land titles were handed over to agrarian reform beneficiaries,” dagdag na wika nito.
“Tuloy-tuloy din at pinabibilis pa natin ang pagkakahati-hati ng mga collective Certificates of Land Ownership Award o ‘yung CLOA para sa mga indibidwal na benepisyaryo nito,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.
Ang Certificates of Condonation ay ipinalabas para sa condonation ng mahigit sa P57 billion debt para sa 600,000 benepisaryo.
“Bukod pa rito, naresolba rin ang mahigit pitumpung libong mga kaso patungkol sa repormang agraryo. Kasama rito ang mahigit dalawang libong kasong matagal nang nakabinbin bago pa man pumasok ang administrasyon,” ang sinabi ng Punong Ehekutibo.
Ginawa ring modernisado ng pamahalaan ang ‘customs procedures’ at pinaigting ang pagsisikap sa pagpapatupad na nagresulta ng pagsamsam sa mahigit sa P2.7-billion smuggled agri-fisheries products na maaaring pumasok sa merkado at negatibong naka-impluwensiya sa presyo.
“And to discourage rice smuggling, seized staple is given to the poor, ayon sa Pangulo sabay sabing Future seizure will undergo similar procedure,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.
“Ganoon din ang sasapitin ng lahat ng mga ipupuslit na mga bigas. Ang ibang mga produkto naman ay ating sisirain o susunugin — bukod pa sa pagkakakulong sa mga mahuhuling mga salarin,” aniya pa rin.
Sa kabilang dako nangako naman si Pangulong Marcos na ipatutupad sa lalong madaling panahon ang pre-border technical verification at cross-border electronic invoicing ng import commodities na makapagbigay ng malakas na signal na ibig ipakahulugan ng pamahalaan ay “serious business.”
At upang manawagan ang ‘unnecessary business costs’, hindi mangongolekta ang local government units (LGUs) ng ‘fees at charges’ mula sa motorists transporting goods at merchandise habang bumabagtas sa national roads, sinabi ng Pangulo na hinikayat nito ang LGUs na umatras mula sa pag komentaryo ng kahalintulad na bayarin para sa paggamit ng lokal na lansangan.
“And because of the success of KADIWA Centers in providing the public with affordable goods, the KADIWA program will continue to be implemented,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.
“Katuwang ang mga lokal na pamahalaan, dinadagdagan pa natin ang mga KADIWA sa iba’t ibang panig ng bansa. Higit sa lahat, layunin nating gawing permanente rin at mas madalas pa ang pagdaraos ng mga KADIWA,” pahayag ng Chief Executive. (Daris Jose)
-
JOIN THE “BARBIE” PARTY IN COMEDY’S BRAND NEW TRAILER
GIANT blowout party? Check. Planned choreography? Check. Watch the new trailer for “Barbie.” The Greta Gerwig-directed film, starring Margot Robbie and Ryan Gosling, opens in Philippine cinemas July 19. YouTube: https://youtu.be/X5nmPBArz3U Facebook: https://www.facebook.com/WarnerBrosPH/videos/1298142451100153/ About “BARBIE” To live in Barbie Land is to be a perfect being in a […]
-
Qatar football team hindi ipapahiya ang bansa sa hosting nila ng FIFA World Cup
KABILANG sa apat na koponan ng Group A ng FIFA World Cup 2022 ang host country na Qatar. Sa kasaysayan kasi ng FIFA ay ito ang unang pagkakataon na maging host ang isang Arab nation. Noong Disyembre 2010 pa ng ianunsiyo ng FIFA ang hosting ng Qatar. Noong 2011 […]
-
Sec. Roque, agad nagbigay linaw sa anunsyong ‘special working holidays’ ang Nov 2, Dec 24 at 31
NILINAW ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang kanyang sinabi na malabong irekonsidera at bawiin ng Malakanyang ang anunsyong ‘special working holidays’ ang November 2, December 24 at 31 dahil “isang taon na tayong nakabakasyon”. “Alam nyo po, ang konteksto nito, ‘yung karagdagang araw na pinagpapatrabaho tayo, kasama na po ‘yung bisperas ng Pasko, bisperas […]