• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Gobyerno, target ang buwanan na Bayanihan, Bakunahan drives —NVOC

TARGET ng pamahalaan na magsagawa ng buwanan na “Bayanihan, Bakunahan” drives sa ilang lugar upang itaas ang vaccination rate sa bansa.

 

 

Sa Laging Handa public briefing, kinumpirma ni National Vaccination Operations Center (NVOC) chairperson Myrna Cabotaje na pinag-aaralan na ng pamahalaan ang bagay na ito.

 

 

“Oo, iniisip natin ‘yung iba-ibang strategy. Baka kahit gawin natin buwan-buwan na specific areas siguro o kaya specific target. Nakita natin na medyo kailangan natin taasan ‘yung atin pang senior citizens,” aniya pa rin.

 

 

Ani Cabotaje, tinatayang may 2.5 milyon na senior citizens ang nananatiling hindi bakunado.

 

 

Ang data naman mula sa National COVID-19 vaccination dashboard ay nagpapakita na may 5 milyong seniors ang nakatanggap na ng kanilang first dose habang 6.2 milyon naman ang fully vaccinated laban sa sakit.

 

 

Tinatayang may 1.5 milyong seniors ang nakatanggap naman ng booster shots.

 

 

Samantala, sinabi ni Cabotaje na mahigit sa 1.5 milyong indibidwal ang binakunahan sa panahon ng third wave ng “Bayanihan, Bakunahan” program.

 

 

Aniya pa, kailangan munang itaas vaccination rate sa mga senior citizens bago pa ide-escalate ang alert level sa National Capital Region.

 

 

NCR ang inilagay sa ilalim ng Alert Level 2 mula Pebrero 1 hanggang 15.

 

 

“Marami sa ating mga areas sa NCR medyo mababa ang coverage, ‘yung A2, ‘yung ating senior citizens. While 99% ang fully vaccinated, kapag tinignan mo sa lahat ng priority groups, kailangan pa nating i-push ‘yung A2,” aniya pa rin.

 

 

Sinabi ni Cabotaje na   100% ng eligible population sa NCR ay naktanggap ng first dose habang 99% naman ang fully vaccinated.

 

 

“Ang kailangan pataasin pa sa NCR is ‘yung ating booster doses,” anito.

 

 

Aniya, “61.4 million individuals have been fully vaccinated nationwide while around 9 million have received booster shots.” (Daris Jose)

Other News
  • NORA, humihingi ng tawad dahil maraming pagkukulang sa pumanaw na kaibigang producer/director

    NAGLULUKSA ang Philippine Television industry dahil sa pagpanaw ng TV icon na si Kitchie Benedicto.     Pumanaw ang producer-director na si Benedicto noong nakaraang August 4 sa edad na 74. Sa kanyang tahanan sa Pasay City pumanaw si Benedicto ayon sa kanyang son-in-law na si Negros Occidental Vice Governor Jeffrey P. Ferrer.     […]

  • 16 milyong bakuna darating ngayong Hulyo

    May 16 milyong dose ng COVID-19 vaccine ang matatanggap ng Pilipinas ngayong buwan, ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles.     Habang sa Agosto naman makakatanggap ang bansa ng 14 milyong dose ng bakuna.     Sa Hulyo 14, mas marami pang doses ng Sinovac ang darating na gagamitin sa mga priority areas kabilang dito […]

  • VIVA Films, presents the fresh team-up of Meg Imperial and Arvic Tan in “Sana All”

    VIVA Films, in cooperation with BluArt Production, presents the fresh team-up of Meg Imperial and Arvic Tan in “Sana All”, a movie that features Adams, one of the scenic gems of Ilocos Norte, and its exotic and intoxicating rice wine, the tapuey.     Meg Imperial plays Iyam, granddaughter of Lola Ingga (Lita Loresca), a […]