• November 15, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Gobyerno walang balak harangin kung nais sumuko ni dating Pang. Duterte sa ICC

WALANG balak na harangin o tututulan ng gobyerno kung nais ng dating Pang. Rodrigo Duterte na sumuko sa hurisdiksyon ng International Criminal Court (ICC).

 

 

Reaksiyon ito ng Malakanyang sa pahayag ni Duterte sa ICC na pumunta na sa Pilipinas at imbestigahan siya kaugnay sa madugong war on drugs.

 

Ayon kay Executive Sec. Lucas Bersamin, kung ire-refer ng ICC ang proseso ng imbestigasyon sa interpol at mag-transmit ito ng red notice sa mga otoridad sa bansa, maoobliga ang pamahalaan na kilalanin ang red notice.

 

Sinabi ni Bersamin, kung ganito ang mangyayari kailangang makipagtulungan ang nga otoridad sa Interpol alinsunod sa umiiral na protocols.

 

 

Humarap ngayon ang dating Pangulo sa pagdinig ng Kamara sa usapin ng war on drugs noong kanyang administrasyon.

 

 

“ If the former President desires to surrender himself to the jurisdiction of the ICC, the government will neither object to it nor move to block the fulfillment of his desire.

 

 

But if the ICC refers the process to the Interpol, which may then transmit a red notice to the Philippine authorities, the government will feel obliged to consider the red notice as a request to be honored, in which case the domestic law enforcement agencies shall be bound to accord full cooperation to the Interpol pursuant to established protocols,” mensahe ni Executive Secretary Lucas P. Bersamin. (Daris Jose)

Other News
  • Abueva, nagpakitang gilas sa muling pagbabalik sa Phoenix, nilampaso ang NLEX 114-110

    BUMIDA si Calvin Abueva sa panalo ng Phoenix laban sa NLEX 114-110.   Nagtala ito ng 21 points, 13 rebounds at pitong assists para maitala ng Fuel Masters ang ikaapat na panalo sa anim na laro sa PBA Philippine Cup na ginaganap sa Angeles University Foundation gym.   Sinabi nito na pinaghandaan niya ang nasabing […]

  • 1 sugatan, 20 tahanan sa sunog

    SUGATAN ang isang lalaki matapos na mabagsakan ng kawad ng kuryente habang nadamay ang may 20 bahay ang nadamay sa naganap ma sunog sa isang residential house, kamakalawa ng gabi sa Sampaloc, Maynila.   Isinugod sa pagamutan ang biktima nakilalang si Michael Floranza, 37, na nagkaroon ng sugat sa kaliwang paa matapos umanong mabagsakan ng […]

  • Payag maging kapatid o kahit alalay ng aktres: JESSY, wish makatrabaho si MARIAN at si DINGDONG

    WISH pala ni Jessy Mendiola, sa muling pagbabalik-acting niya ay makasama niya ang Kapuso Royal Couple na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera.  Biro pa niya “kahit maging PA (personal assistant) lamang nila, payag ako.”  Nasabi ito ni Jessy sa interview niya sa grand opening ng Manila Diamond Studio na siya ang celebrity endorser.     […]