Gobyerno, walang ginastos kahit na isang kusing na mula sa pondo ng pamahalaan
- Published on December 30, 2020
- by @peoplesbalita
IGINIIT ng Malakanyang na walang ginamit na kahit na singkong pondo ng pamahalaan sa pagpapabakuna laban sa COVID-19 ng mga miyembro ng Presidential Security Group (PSG).
Malinaw ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque na walang nilabag ang pamahalaan ukol sa “prioritization for COVID-19 vaccination”.
Sa ulat, umamin si PSG BGEN Jesus P Durante III PA na nagpabakuna na sila laban sa COVID- 19 hindi para sa kanilang personal agenda kundi bahagi ng kanilang misyon na protektahan si Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
Sa kalatas na ipinalabas ni Durante, nakasaad dito na ang PSG ay pangunahing unit ng AFP na ang mandato ay protektahan ang pinakamataas na lider ng bansa.
Sa kasalukuyan aniyang pandemya, kailangang tiyakin ng PSG na hindi sila banta sa kalusugan at kaligtasan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
Aniya, ang PSG ang nangasiwa sa COVID-19 vaccine sa mga personnel nito na nagsisilbi bilang close-in security operations ng Pangulo.
Bago pa ito ay si Pangulong Duterte mismo ang nagsiwalat na may ilang miyembro ng military ang naturukan ng bakuna mula Sinopharm kahit hindi pa aprubado ng Food and Drug Administration ang kahit na anumang COVID-19 vaccine sa bansa.
Sinabi ni Sec. Roque na hindi niya alam kung paano nakapaso sa bansa ang naturang bakuna.
“Hindi ko po alam kung pa’no ‘yan nakalusot,” diing pahayag ni Sec. Roque.
-
Banggaan ng 2 sasakyan pandagat, tinugunan ng PCG
SINAKLOLOHAN ng Coast Guard Station (CGS) Central Palawan sa banggaan na kinasasangkutan ng hindi pa nakilalang sasakyang pandagat at MBCA Jerrylyn sa humigit-kumulang 12 nautical miles silangan sa Canigaran Beach, Barangay Bancao-Bancao, Puerto Princesa City, Palawan. Sa ulat, nasagip ng Coast Guard Search and Rescue (SAR) team ang dalawang pasahero ng MBCA Jerrylyn na […]
-
Pinoy boxer John Moralde bigo sa kamay ni William Zepeda
Nabigo si Filipino boxer John Vincent “Mulawin” Moralde na maagaw ang World Boxing Association (WBA) Continental America lightweight champion kay William “Camaron” Zepeda. Mula sa simula pa lamang ay umulan ng mga suntok mula kay Zepeda na nagbunsod sa pagkakatumba sa Pinoy boxer sa loob ng ikaapat na round sa laban na ginanap […]
-
Groundbreaking ng Proyektong Kakaiba sa Valenzuela, pinangunahan ni WES
ISINAGAWA ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela sa pangunguna ni Mayor Wes Gatchalian ang groundbreak ng ilang Proyektong Kakaiba, katulad ng New Valenzuela City Emergency Hospital (VCEH) – Multi-level Parking Building, New Annex Building, Rehabilitation ng Main Building na matatagpuan sa Brgy. Dalandanan, at ang New and Improved Valenzuela City Central Kitchen (NIVCCK) sa Brgy. Malinta, […]