• January 23, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Good governance tinitiyak ng LGU ng Quezon City

TINIYAK ni Quezon City Mayor Joy Belmonte sa kanyang mga nasasakupan na ipagpapatuloy ng kanyang administrasyon ang Good Governance  na kasalukuyang tinatamasa ng lungsod Quezon.
Sa katatapos na State of the City Address, sinabi ng Alkalde na kung susumahin ang nagawa ng ating lokal na pamahalaan,  masasabing malayo na ang narating, ngunit malayo pa ang maaaring abutin. Dagdag pa ni Belmonte, hindi lang natatanaw ang magandang kinabukasan at ramdam na ramdam na ito ng ating mga mamamayan.
Matatandaan na bago maupo si Belmonte bilang local chief executive ng Quezon City, ay mayroon lamang 16 billion pesos na tax collection ang lungsod. At nang magsimula na syang manungkulan noong 2019 ay umabot ang tax collection ng LGU sa 19.3 billion pesos at mula noon ay naging consistent sa pagtaas at ngayong Oktubre ay nasa 20.3 billion pesos na ang nakokolekta ng City Treasurer’s Office at inaasahang aabot pa ito sa 21 Billion pesos sa pagtatapos ng taon.
Paliwanag pa ng Alkalde, 38% o aabot sa 13.4 billion pesos ang nagamit sa social services ng lungsod, 5 billion pesos sa edukasyon at 3.4 billion pesos naman sa infrastructure development.
Sa kabila ng malaking budget, tinitiyak ni Belmonte na ang lahat ng pera ay nagagamit nang tama at maayos at ang lahat ay well accounted for hanggang sa kahuli-hulihang sentimo. Patunay aniya diyan ang mga parangal na natatanggap ng lungsod mula sa Commission on Audit. (PAUL JOHN REYES)
Other News
  • DOH: Bagong COVID-19 cases sa PH, 3,564; total count, 342,816

    AABOT sa mahigit 3,000 bagong kaso ng COVID- 19 ang nadagdag sa listahan ng Department of Health (DOH).   Ngayong araw, 3,564 ang additional cases, kaya umakyat pa ang total sa 342,816.   Ayon sa ahensya, 13 laboratoryo ang bigong mag-sumite ng kanilang report sa COVID-19 Data Repository System.   Mula sa mga bagong kaso […]

  • 130 non-conforming weighing scale, sinira sa Valenzuela

    WINASAK ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela sa pangunguna ni Mayor WES Gatchalian ang 130 non-conforming weighing scale na nakumpiska mula sa iba’t ibang pamilihan sa lungsod sa isinagawang operation timbangan. Ang inisyatiba ay naka-angkla sa pambansa at lokal na mga batas na kumokontrol sa paggamit ng mga kagamitan sa pagtimbang sa mga pampublikong pamilihan. Ang Republic […]

  • 2 arestado sa baril at shabu sa Valenzuela

    Rehas na bakal ang kinasadlakan ng dalawang hinihinalang drug personalities matapos makuhanan ng baril at P68,000 halaga ng shabu sa magkahiwalay na operation ng pulisya sa Valenzuela City.     Sa report ni Valenzuela police chief Col. Fernando Ortega kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Nelson Bondoc, dakong 11:40 ng gabi nang i-served ng […]