• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Goodbye sa mga kotse, relo at iba pang luho: ROCCO, thankful sa mga payo ng kapwa-Kapuso daddy

THANKFUL si Rocco Nacino dahil sa mga natatanggap niyang mga payo sa pagiging isang ama mula sa kapwa niya mga daddy tulad nila Dennis Trillo, Rodjun Cruz, Carlo Gonzales, Mark Herras, Joross Gamboa at Dingdong Dantes.

 

 

 

Ayon kay Rocco ay puwede na raw sila magtayo ng ‘Daddy’s Club’ dahil tuwing nag-uusap daw sila, tungkol sa kanilang mga anak ang topic nila.

 

 

 

“’Yun ang naging bonding namin ni Dennis nung magkasama kami sa ‘Maria Clara At Ibarra’. Kasi halos sabay yata kami, nauna lang siya yata ng isang taon, so I was asking a lot of tips from him.

 

 

 

“Si Dong and Carlo, was there when I was preparing to propose and to get married to Melissa. Mga tanong ko sa kanila, ‘Ano ba ang mga dapat isipin?’ So buti na lang may mga mako-consider ka na kaibigan sa showbiz talaga,” sey ni Rocco.

 

 

 

Naniwala na raw si Rocco sa mga sinabi sa kanya nila Rodjun, Mark at Joross na mag-iiba ang priorities niya kapag nandiyan na ang kanyang anak. ‘Yung mga dating luho raw nila noong single sila ay napalitan na ng mga pangangailangan ng anak nila.

 

 

 

“Parang sinasabi ko na, ‘Ay ito pala yung sinasabi nila na sabi nila mababago ang priorities mo, mababago yung motivation mo, tsaka para makapag-provide. It changes.

 

 

 

“Kaya goodbye sa mga kotse, goodbye sa mga relo, sa mga luho. Tsaka ‘yung pagod mo, kahit anong pagod mo galing sa taping, pag-uwi mo, makita mo lang ‘yung ngiti ng bata, wala, buhay ka na ulit,” sey ni Rocco na muling bumalik sa pagbida sa GMA afternoon teleserye na “The Missing Husband’.

 

 

 

***

 

 

 

GOOD vibes talaga ang hatid ng “Unang Hirit” sa viewers sa umaga na lalo pang pinatingkad ng kulitan ng mga host nito.

 

 

 

Bukod sa paghahatid ng balita, game na game kasi ang veteran news personalities na sina Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, at Mariz Umali na ipakita ang kanilang funny side sa Kapuso morning TV show.

 

 

 

Kasama pa nila sa kasiyahan sina Suzi Entrata-Abrera at Lyn Ching-Pascual, na bukod sa chika, hatid ay mga latest sa pagkakaabalahan ngayon lalo na ng moms. Legal expert naman ang hatid ni Attorney Gaby Concepcion.

 

 

 

Extra dose of good vibes din ang dala nina Matteo Guidicelli, Morning Sunshine Shaira Diaz, Morning Oppa Kaloy Tingcungco, Weather Heartthrob Anjo Pertierra, at Food Explorer Chef JR Royol.

 

 

 

Pati nga mga off-cam moment ng hosts, patok na patok sa netizens kaya naman di nakapagtataka na mas lalo pang inaabangan ang Unang Hirit na mapapanood weekdays, 5:30 to 8 am sa GMA.

 

 

 

***

 

 

 

SABAY na umalis sa management ni Scooter Braun ang singers na sina Ariana Grande at Demi Lovato.

 

 

 

Unang binalita ng Page Six na si Justin Bieber ang umalis sa management ni Braun. Pero pinabulaanan ito ng rep ni Bieber dahil may kontrata pa raw ito with Braun at may niluluto silang malaking project ni Bieber.

 

 

 

Si Ariana ang unang binalita ng Billboard na kumalas na sa management ni Braun.

 

 

 

Ayon sa rep ni Grande: “They are friendly but she’s outgrown him and is excited to go in a different direction. Yes there are negotiations happening because of contracts. But this is her choice.”

 

 

 

Kasalukuyang tinatapos ni Grande ang musical film na The Wicked in London.

 

 

 

The next day, si Demi Lovato naman ang umalis kay Braun. Lovato signed with Braun in 2019.

 

 

 

Ayon sa kanyang rep: “It was time for Lovato to go in a new direction, even though she was thankful for her time with SB Projects, she is currently having conversations with potential new candidates.”

 

 

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • Kim, kasama sa celebrity friends na bumati: MAJA, engage na rin sa longtime boyfriend na si RAMBO

    SA mismong Pasko ng Pagkabuhay, sinabay na in-announce nina Maja Salvador at longtime boyfriend na si Rambo Nuñez ang kanilang engagement.     Naganap ito sa El Nido, Palawan na kung saan doon sila nagbakasyon at kasama kani-kanilang mga pamilya.     Sa post sa Instagram ni Maja, “My new beginning @rambonunez,” kasama ang ring, at heart […]

  • PBBM, pinangalanan ang mga rice smugglers; nangako na hahabulin ang mga rice price manipulators

    UPANG ipakita ang kanyang malakas  na  “political will” na tapusin ang rice smuggling sa Pilipinas, isiniwalat ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., araw ng Miyerkules, ang mga pangalan ng mga  rice smugglers  na sumisira sa takbo ng ‘rice supply and demand’ sa merkado.     Sa naging talumpati ng Pangulo sa isinagawang distribusyon ng bigas […]

  • ‘3-way race’ sa presidency, malabo na – analyst

    HINDI NA umano posibleng mangyari na magkaroon ng tatlong nangungunang magla­laban sa “presidential race” may dalawang linggo bago ang halalan, ayon sa analyst na si Dindo Manhit ng Stratbase ADR Institute research firm.     Sinabi ni Manhit na nakitaan ng pagbaba ng kanilang numero ang ibang mga kandidato mula noon pang Pebrero kaya hindi […]