• December 28, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Government IDs, kailangan sa voter registration

HINDI na papayagan ng Commission on Elections (Comelec) ang pagpiprisinta ng company identification cards at sa halip ay pawang mga “government issued IDs” na lamang ang tatanggapin para sa muling bubuksan na voters registration sa susunod na buwan.
Itinakda ang Comelec ang voters registration sa Pebrero 12 na magtatagal hanggang Setyembre 30, 2024.
Ipatutupad naman ng Comelec ang Register Anywhere Program (RAP) sa buong bansa partikular sa mga highly-urbanized cities at munisipalidad o mga siyudad na kapital ng isang probinsya.
Samantala, ang voter registration para sa mga overseas Filipino ay nagpapatuloy hanggang sa Setyembre 30, 2024.
Target ng Comelec na makapagtala pa ng karagdagang tatlong milyong registrants para sa susunod na halalan. Sa kasalukuyan ay mayroong 68 milyong registered voters sa bansa.
Other News
  • “Philippine Traditional Wear Day” tuwing Hunyo 12, aprubado

    Inaprubahan ng House Committee on Basic Education and Culture ang pagtatalaga sa Hunyo 12 bawat taon bilang “Philippine Traditional Wear Day.”   Sa inihaing House Resolution 1374 ni Leyte Rep. Lucy Torres-Gomez, layon nito na isulong ang kamalayan at pagsasanay sa kulturang Pilipino sa pagdiriwang ng Araw ng Kasarinlan.   Isinasaad sa resolusyon na ang […]

  • MAINE, may katambal na rin sa comedy show nila ni VIC sa katauhan ni YASSER MARTA

    FINALE night na mamaya ng romantic-drama series na The World Between Us nina Alden Richards, Jasmine Curtis-Smith, Tom Rodriguez, Sid Lucero, Dina Bonnevie at Ms. Jaclyn Jose.     Kaya mas excited na ang mga netizens kung ano ang gagawin ni Louie (Alden) para maipaghiganti ang mga pananakit na ginawa ni Eric (Sid) kay Lia […]

  • 4 NAGPOSITIBO SA 3 ARAW NA DRIVE THRU SWABBING SA QUIRINO GRANDSTAND

    APAT ang naitalang nagpositibo  sa Covid-19 sa inilunsad na Drive  thru  swab testing ng pamahalaang lungsod ng Maynila sa Quirino Grandstand.   Ito ay sa loob lamang ng tatlong araw,  batay  na rin  sa datos ng Manila Health Department (MHD).   Sa kabuuan , nasa  242 katao na ang sumailalim sa libreng swab test sa […]