• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

GOVT SERVICES SA NAVOTAS MAAARING ISARA

Dahil sa patuloy na pagtaas ng mga kaso ng COVID-19, inihayag ni Mayor Toby Tiangco na maaari pansamantalang  ipa-shutdown muna ang government services sa lungsod.

 

 

Aniya, lima sa 18 barangay halls na kinabibilangan ng San Jose, Bangkulasi, San Rafael Village, North Bay Boulevard North, at North Bay Boulevard South-Proper ang pansamantalang naka-lockdown para disinfection upang mapigilan ang pagkalat ng virus matapos ilan sa kanilang mga empleyado ang nagpositibo sa COVID-10.

 

 

“Our barangay official and employees underwent swab test from March 13-19. Among those tested, 142 turned out positive, forcing us to close some barangay halls,” ani Tiangco.

 

 

“Because of the lockdowns, services of the barangays have been affected. There were fewer tanods to patrol alleys and streets, or garbage collectors to pick up wastes,” aniya.

 

 

“Even our city hall and the out-patient department of the Navotas City Hospital had to close down for two weeks due to COVID cases. If this continues, we will soon face the difficulty of providing basic services to our constituents,” sabi pa niya.

 

 

Inulit ni Tiangco ang kanyang panawagan sa publiko na sundin ang mga safety protocol tulad ng wastong pagsusuot ng face mask at face Shield, 1-2 meter social distancing, paghuhugas ng kamay, at pananatili sa bahay hangga’t maaari. (Richard Mesa)

Other News
  • Seniors na kumpleto bakuna vs COVID-19 makalalabas na sa GCQ, MGCQ areas

    Pahihintulutan na lumabas ng kani-kanilang bahay ang mga edad 65-anyos pataas na lumabas ng bahay sa gitna ng coronavirus disease pandemic, basta kumpleto na ang kanilang dalawang doses ng bakuna.     Huwebes kasi nang magpulong-pulong ang Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) patungkol sa isyu.     “Subject ito sa mga kondisyon […]

  • Ika-161 na Malasakit Center, binuksan sa bayan ng Bocaue

    LUNGSOD NG MALOLOS – Upang makapagbigay ng accessible na serbisyong pangkalusugan at suporta sa mga Bulakenyo, pinangunahan nina Senador Christopher Lawrence “Bong” Go, Senador Joel “Tesdaman” Villanueva kasama sina Gobernador Daniel R. Fernando at Bise Gob. Alexis C. Castro ang Pagbubukas ng Ika-161 na Malasakit Center sa Joni Villanueva General Hospital sa Bocaue, Bulacan kamakailan. […]

  • USA sa Pilipinas maglalaro

    SA PILIPINAS  maglalaro ang US Dream Team sa group stage ng FIBA Basketball World Cup na idaraos sa susunod na taon.     Ito ang kinumpirma ng FIBA matapos ang konsultasyon nito sa tatlong host countries sa FIBA World Cup — ang Pilipinas, Japan at Indonesia.     Inanunsiyo na ng FIBA Central Board na […]