• December 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Grab drivers umaangal dahil sa cuts sa SC at PWD discounts

NANAWAGAN sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang isang grupo ng mga drivers ng ride-hailing system upang ang mga kumpanyang nasabi ay ibalik sa kanila ang binabawas sa kanilang kinikita na 20 porsiento diskwento sa senior citizens at persons with disability (PWDs).

 

 

 

Sa isang panayam kay Laban TNVS national director June de Leon na dati ay ang pinapataw lamang sa kanila ay ang 10 porsiyento ng diskwento na binibigay sa mga SCs at PWDs habang ang Grab ay siya naming kumukuha ng 10 porsiento nito. Subalit simula noong March 2024 ay ang mga drivers ng mga ride-hailing system ang siya ng binawasan ng buong 20 porsiento.

 

 

Ayon sa grupo ay noong March pa sila nanawagan sa LTFRB upang pakialaman na ang nasabing usapin dahil labis-labis na ang pagkalugi ng mga drivers sa nasabing situasyon.

 

 

Dagdag pa nila na bukod sa 20 hanggang 25 porsiento na kinakaltas sa kanila na komisyon ng Grab ay pinatong pa ang 20 porsiento diskwento ng SCs at PWDs sa mga drivers kasama pa ang diskwento sa mga estudyante.

 

 

Sinabi ni De Leon na kung ang pasahe ng isang PWDs ay umabot ng P1,000, ang isang Grab driver ay mayron na lamang na P800 na take home pay dahil sa 20 porsientong diskwento.

 

 

Subalit dahil na rin ang Grab ay kinukuha pa commission na 20 hanggang 25 na porsiento kada sakay, ang isang driver ay mayron na lamang kabuohang take home pay na P550. Gusto man nilang bigyan ng diskwento ang SCs at PWDs ito naman ay nangangahulugan ng pagkalugi sa kanilang kinikita.

 

 

“Although we want to serve our PWDs and SCs, sometimes we will not take their bookings because it will mean a loss in our take home pay. We are just trying to make a living and they should understand that we have our family to feed, so we are really sorry for that,” saad ni De Leon.

 

 

Ayon pa kay De Leon na malinaw sa LTFRB guidelines na dapat ang mga kumpanya ng TNVS ang siyang dapat na mag shoulder ng 20 porsiyento diskwento sa mga SCs at PWDs.

 

 

Humihingi din ang grupo sa LTFRB na dapat ay magkaron ng full accounting dito para tama ang maibayad sa mga drivers kung magkakaroon ng refund.

 

 

Nagpahayag naman ang pamunuan ng Grab na patuloy silang nagsa-subsidize ng mga government-mandated discounts para sa mga drivers sa pamamagitan ng mababang commissions para sa mga discounted fares.

 

 

“It does so by subsidizing its drivers-partners for said rides through a reduced commission rates on these discounted fares. This model mitigates the impact of these government-mandated fare discounts on driver earnings,” wika ng Grab.

 

 

Ayon pa rin sa Grab sila rin ang nagbabayad ng kabuohang diskwento sa cost ng mga unverified at fraudulent SCs at PWDs. Dagdag ng Grab na isa sa tatlong SC/PWD/Student bookings ay mga unverified at fraudulent ang transaksyon. LASACMAR

Other News
  • PDA, bawal na muna

    Muling nakiusap ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP) sa mga magsing-irog na maghinay-hinay muna sa paglalambingan sa publiko habang umiiral pa rin ang quarantine protocols sa gitna ng coronavirus disease (COVID-19) pandemic.     Ito ang paalala ni PNP spokesperson Brig. Gen. Ildebrandi Usana kasabay ng muling paghihigpit ngayong nanunumbalik ang lockdowns sa ilang lugar sa […]

  • ‘One-seat-apart’ policy ‘di pagluluwag sa physical distancing rule: DOH

    BINIGYANG-DIIN ng Department of Health (DOH) na ang one- seat-apart policy ng pamahalaan sa mga pampublikong sasakyan ay hindi pagbabawas sa umiiral na physical distancing protocols.   Sa isang virtual briefing, sinabi ni DOH Usec. Maria Rosario Vergeire na kailangan lamang nila ng mensahe na mas madaling maiintindihan ng publiko kaya ginamit ang terminong one […]

  • Ads August 15, 2023