• July 20, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Grab, kinastigo ng LTFRB sa hearing sa surge fee

KINASTIGO ng Land Transportation Franchi­sing and Regulatory Board ( LTFRB) ang My Taxi Philippines/ Grab dahil sa walang dalang kaukulang dokumento na nagpapatunay sa alegasyon  na sila  ay nagka-COVID kaya hindi nakarating sa nagdaang public hearing noong Disyembre.

 

 

Ang public hearing ay isinasagawa patungkol sa reklamong surge fee na sinisingil ng Grab sa kanilang mga commu­ters .

 

 

Hinanap din ng LTFRB board sa pangu­nguna ni LTFRB Chairman Teofilo Guadiz sa mga opisyal ng  Grab ang dokumento na nagpapaliwanag kung magkano at paano ang ginagawang pagsingil ng  surge fee sa kanilang mga commuters.

 

 

Sa hearing, sinabi ni Atty Ariel Inton, founding President ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) na dapat ay nagbitbit na ang Grab ng mga kailangang dokumento hinggil sa alegasyong naniningil ito ng surge fee sa mga pasahero na hindi aprubado ng LTFRB.

 

 

Sinabi ni Chairman Guadiz na dapat maipaliwanag ng maayos ng Grab ang isyu sa surge  fee dahil marami ang nagrereklamo hinggil dito.

 

 

“Ipaliwanag nyo ng maayos ang surge fee na sinasabing nagkaroon ng overpricing” sabi ni Guadiz sa Grab.

 

 

Ayon kay Inton, kinumpirma ng Grab na sila ay nasingil ng P85 surge fee  pero dapat anya ay P45 pesos lamang ito.

 

 

Muling itinakda ng LTFRB board ang hea­ring bukas, araw ng Huwebes (January 12) upang makapaglabas na sila ng desisyon para dito.

 

 

Ayon sa Grab, isusumite nila ang lahat ng kailangan ng LTFRB tungkol dito. (Daris Jose)

Other News
  • OFWs na tinamaan ng COVID-19 sa virus hit Hong Kong tumalon sa 221

    LALO pang dumami ang bilang ng mga overseas Filipino workers (OFWs) sa Hong Kong na tinamaan ng COVID-19, ito habang suspendido na sa naturang Chinese administrative region ang flights mula sa walong bansa — kasama na ang Pilipinas.     Sa tala ng Philippine Overseas Labor Office (POLO), Huwebes, sinabi ni Hong Kong Labor Attaché […]

  • Agarang pagpapalabas ng tulong, mamadaliin ng DSWD

    BIBILISAN na ng  Department of Social Welfare and Development (DSWD) na bibilisan ang pagpapalabas ng tulong para sa mga pamilya at indibidwal na nangangailangan ng agarang suporta sa ilalim ng  Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) program.     Gagamitin ng departamento ang kanilang updated guidelines para rito.     Ni-review at binago kasi […]

  • ADB, napanatili ang paglago ngayong taon ng 2024; 2025 growth, pagtataya para sa Pinas

    NAPANATILI ng Asian Development Bank (ADB) ang ‘economic growth outlook’ para sa Pilipinas ngayong taon at sa susunod na taon sa gitna ng inaasahan na paggaan ng inflation na susuporta sa ‘consumption at investment activities.’     Sa July edition ng flagship publication nito, Asian Development Outlook (ADO), sinabi ng ADB na ang gross domestic […]