• December 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Granular lockdowns, ipatutupad sa mga high-risk areas- Galvez

SINABI ni Secretary Carlito Galvez, chief implementer ng government’s response against COVID-19, na ipatutupad ang “granular lockdowns,” at hindi stricter quarantine sa mga high-risk areas.

 

Ang pahayag na ito ni Galvez ay tugon sa naging payo ng OCTA Research team na marapat na magpatupad ang pamahalaan ng stricter quarantine classification sa 11 lugar sa bansa kabilang na sa mga kinukunsiderang high-risk.

 

“Ang ginagawa po natin granular (lockdown),” ayon kay Galvez nang tanungin kung ang 11 recommended areas ay ilalagay sa ilalim ng stricter quarantine status gaya ng enhanced community quarantine (ECQ).

 

“Yung malakihang ECQ is not sustainable. Nakita namin ‘yung presentation ng NEDA na napakalaki ng epekto kapag ginawa natin ‘yung draconic lockdown,” dagdag na pahayag nito.

 

Ani Galvez, ang granular lockdown ay “complemented with syndromic surveillance,” kabilang na ang paghahanap ng finding COVID-19 cases kabilang na ang mga close contacts ng infected persons.

 

Sa October 6 report, pinayuhan ng OCTA Research team ang pamahalaan na magpatupad ng stricter quaran- tine classifications sa 11 areas, base sa data mula August 25 hanggang October 5.

 

Siyam na lugar ay kinukunsiderang high-risk dahil sa daily attack rate kada 1000 ay “greater than 1.0% and their attack rate for the current week is also higher compared to both of the two previous weeks.”

 

Ayon pa rin sa OCTA Research team, ang mga sumusunod na high-risk areas para sa COVID-19 na dapat ikunsidera ng pamahalaan na ilagay sa ilalim ng stricter quarantine ay ang:

 

• Benguet (kabilang na ang Baguio City)

• Davao Del Sur (kabilang na ang Davao City)

• Iloilo (kabilang na ang Iloilo City)

• Misamis Oriental (kabilang na ang Cagayan de Oro)

• Nueva Ecija

• Quezon

• Pangasinan (kabilang na ang Dagupan)

• Western Samar

• Zamboanga Del Sur (kabilang na ang Zamboanga City)

 

Bagama’t kinukunsidera bilang low-risk for COVID-19, inirekumenda rin ng mga eksperto na ang Cagayan at Isabela ay isailalim sa stricter quarantine classifications dahil sa limitadong healthcare capacity. (Daris Jose)

Other News
  • JOIN THE “BARBIE” PARTY IN COMEDY’S BRAND NEW TRAILER

    GIANT blowout party? Check. Planned choreography? Check. Watch the new trailer for “Barbie.” The Greta Gerwig-directed film, starring Margot Robbie and Ryan Gosling, opens in Philippine cinemas July 19.   YouTube: https://youtu.be/X5nmPBArz3U Facebook: https://www.facebook.com/WarnerBrosPH/videos/1298142451100153/       About “BARBIE”       To live in Barbie Land is to be a perfect being in a […]

  • P7 MILYONG SHABU GALING LONDON , ISINILID SA ISANG STUFFED TOYS, NASAMSAM

    MAHIGIT P7 milyon halaga ng hinihinalang  shabu  na nakalagay sa isang package na idineklara na mga “stuffed toys”  ang nasamsam matapos  na naaresto ang isang babae na  tumanggap nito  sa Bacoor City, Cavite Martes ng hapon.     Kinilala ang naaresto na si  Noelle Denise Azul, 29, dalaga habang pinaghahanap ang kaibigan nito na si  […]

  • Price ceilings sa bigas, ipinatupad sa Valenzuela at Navotas

    IPINATUPAD na ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela at Navotas ang Executive Order No. 39 na inisyu ng Malacañang o ang Pagpapataw ng Mandated Price Ceilings sa Bigas sa lahat ng pampubliko at pribadong pamilihan at mga supermarket sa parehong lungsod.     Sa Valenzuela, bumuo ng Task Force si Mayor Wes Gatchalian upang tutukan ang […]