• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Grateful na na-nominate bilang ‘Darling of the Press’: ALFRED, gustong makasama uli sa movie si NORA after ‘Pieta’

NAKATUTUWA na 18 years na pala ang samahan ng Solid Friends ni QC Councilor Alfred Vargas.

 

Ayon sa mahusay at mabait public servant, “meron kaming special anniversary celebration sa SM Novaliches this July 16 to celebrate our anniversary.

 

“Ito yung fans club ko ever since. My solid fans established it noong JULY 4, 2005, panahon ng Encantadia. They have supported ever since kahit noong baguhan pa lang ako.

 

“They believed in me anuman ang panahon. From 20 members noong simula, ngayon 40k members na.” Dagdag pa ng Kapuso actor na huling napanood top-rating afternoon series na ‘AraBella’, “later on, nag-evolve na rin into a community volunteer organization na siya, na tumutulong sa mga nangangailangan.

 

“May mga yearly projects kami like zumbayan, linis-barangay, youth concert, leadership trainings, medical missions, at marami pang iba. “Swerte ako dahil meron talaga akong supporters na nandyan para sa akin through my ups and downs in life.”

 

Pagbabahagi pa niya, “‘yung kapatid ko, si Cong PM, member din siya na SOLID FRIENDS. Actually, siya ang pinakaunang solid friend ko since pinanganak siya ha ha ha ha ha… idol niya kasi si kuya niya ever since. “Siya ngayon ang official president ng solid friends.”

 

Sa July 16 din, isa si Alfred sa magiging host ng 38th Star Awards for Movies na gaganapin sa Manila Hotel.
Nae-enjoy ba siya sa pagho-host? “Yes. Super enjoy ko mag-host,” maagap niyang tugon.

 

“Maraming hindi nakakaalam, I’m always invited to host different kinds of events. I love celebrating special moments and gatherings ng mga tao.

 

“I’m also a trainer din kasi. I train young leaders and aspiring professionals who want to excel in their respective fields.”

 

Pagsi-share pa niya tungkol sa pagiging host, “I learned hosting from none other than, THE BOY ABUNDA. I was part of the first batch of his hosting workshop.

 

“Sa kanya ko talaga natutunan ang hosting na may sincerity at katuturan. One of his lessons, I remember, is that if you want to be a good host, you must first become a good and genuine listener… pakinggan mo ang taong kausap mo at dun mo makikita ang puso niya.”

 

Ano naman ang feeling na nominated siya bilang ‘Darling of The Press’? “Actually nagulat ako. Di ko expected. I’m grateful na ma-recognize this way by being nominated,” pahayag ng aktor na mahusay talaga ang pakikitungo sa press people, mula noong hanggang ngayon.

 

“Para sa akin, family na rin talaga ang mga press friends ko whom i met along the way in my 20++ years in showbiz. Through thick and thin talaga nakasama ko kayo. From beginning until now. Grabe senti nako,” pag-amin pa niya. “I would never be where I am today if it were not for the friends who helped me along the way. Kayo ‘yun.

 

“Personal ang relationship ko with most of the press. Masarap kasi sila kasama at sasabihin nila sa ‘yo ang totoo and they will look after you. Marami sa mga advisers ko sa buhay ay mula sa mga writers and journalists.” Pahabol pa ni Alfred, “for those who know me talaga, alam nila na kung sino ako noong nag-uumpisa ako, I’m still the same Alfred na kilala nila ngayon.

 

“Medyo mas nag-mature lang ngayon at hindi ko na kayang mag-coffee table book ulit!!! Ha ha ha ha ha ha!!! “I’m not at all perfect pero I always adhere to the lessons and principles my parents taught me.”

 

Samantala, marami na ang nag-aabang sa prinoduce niyang movie, ang ‘Pieta’ na pinagbibidahan nila ng National Artist at Superstar na si Ms. Nora Aunor.

 

Aminado ang actor-turned-politician na very pleasant ang experience niya bilang producer at actor, kasama ang nag-iisang Superstar.

 

Pagkukuwento pa niya, “‘yung husay niya at talento, highest level talaga. And she’s very professional. Walang naging any aberya during the whole shoot.

 

“I’m thinking na nga of doing another project with her next year kung pwede. Ganun ka-okay.”

 

Pagbabahagi uli ni Alfred sa kanyang naramdaman, habang magka-eksena sila ni Ate Guy, “meron kaming eksena na kaming dalawa lang. Tahimik lang pero napaka-meaningful at naramdaman ko ang lalim at soulful emotion.

 

“Dahil ito sa acting ni Ate Guy. Nadala ako. Parang naging loving mother ko talaga siya noong moment na yun sa eksena at ako naman parang long lost son niya talaga.

 

“It was a magical experience for me as an artist. Swerte ko naranasan ko yun.”

 

Inaasahan na maipalalabas sa mga sinehan ang ‘Pieta’ na mula sa direksyon ni Adolf Alix, Jr., bago matapos ang 2023.

(ROHN ROMULO)

Other News
  • 2 TULAK TIMBOG SA HIGIT P.6M SHABU

    MAHIGIT sa P.6 milyon halaga ng shabu ang nasamsam sa dalawang tulak umano ng illegal na droga na naaresto sa magkahiwalay na buy-bust operation ng pulisya sa Caloocan at Valenzuela cities.   Ayon kay Caloocan police chief Col. Dario Menor, alas-12:50 ng Miyerkules ng madaling araw nang maaresto ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa […]

  • 44% ng mga Pilipino, hindi kuntento sa K-12 basic education program – survey

    LUMALABAS umano sa isinagawang survey ng Pulse Asia na nasa 44% ng mga Pilipino ang hindi kuntento sa K-12 education system sa bansa.   Batay sa survey na isinagawa mula June 24 hanggang June 27, 25% bagay sa 1,200 respondents ay nagsabi ang mga ito na “somewhat dissatisfied” o bahagyang hindi satisfied sa kasalukuyang education […]

  • Parehong masaya at nandyan sila para sa isa’t isa: MARKUS, naging open na sa estado ng relasyon nila ni JANELLA

    NAGING open na si Markus Paterson sa tunay na estado ng relasyon nila ng aktres na si Janella Salvador.   Nagkaroon ng pagdududa ang marami na hiwalay na ang dalawa dahil no-show si Janella sa naging birthday celebration ni Markus noong June.   Sey ni Markus na ang importante ay pareho silang masaya ni Janella […]