• December 28, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Grizzlies sinibak ang Wolves

WINAKASAN ng Grizzlies ang ka­­nilang first-round series ng karibal na Minnesota Timberwolves matapos ang­kinin ang 114-106 pa­na­lo sa Game Six papasok sa Western Con­ference se­­mifinal round.

 

 

Lalabanan ng Memphis sa best-of-seven se­mi­finals series sina ‘Splash Brothers’ Stephen Curry at Klay Thompson at ang Gol­den State Warriors, ang NBA champions noong 2015, 2017 at 2018.

 

 

Kumamada sina Desmond Bane at Dillon Brooks ng tig-23 points para sa 4-2 pagtiklop ng Grizzlies sa ka­nilang best-of-seven series ng Timberwolves.

 

 

Nagtala si Brandon Clarke ng 17 points at 11 re­bounds, habang nag-am­bag si star guard Ja Morant ng 17 points at 11 assists.

 

 

Bumangon ang Memphis mula sa 74-84 pagkakaiwan sa third period bago nakatabla sa Minnesota sa 97-97 mula sa basket ni Brooks.

 

 

Ang triple ni Bane ang nag­bigay sa Grizzlies ng 101-99 bentahe sa hu­ling 3:03 minuto ng fourth quarter.

 

 

Pinamunuan ni Antho­ny Edwards ang Timberwolves sa kanyang 30 points at may 24 markers si Jaden McDaniels.

 

 

Tumapos si cen­ter Karl-Anthony Towns na may 18 points at 10 re­bounds.

 

 

Samantala, inihayag ka­hapon ng Philadelphia 76ers na nagkaroon si star center Joel Embiid ng right orbital fracture at mild concussion.

 

 

Posibleng hindi maglaro ang NBA scoring champion at MVP finalist sa confe­rence semis opener ng 76ers at Miami Heat.

Other News
  • P90.2-B special risk allowance para sa mga medical workers ng DOH inilabas na

    Nailabas na ang P90.2 billion special risk allowance para sa mga medical workers ng Department of Health sa buong bansa.     Sinabi ni Department of Budget and Management (DBM) Assistant Secretary Kim Robert de Leon na inaasahan na tuluyan ng maipamahagi ang nasabing budget hanggang Hunyo 30, 2021.     Mayroong tig-P5,000 na monthly […]

  • ‘Di man nagwagi at itinanghal lang na First Runner-Up: HERLENE, humakot ng awards sa nakaraang ‘Binibining Pilipinas 2022’

    TAMA nga ang mga naglalabasang chika na balik GMA-7 na si Billy Crawford.     Ngayong August na rin siya magsisimulang mapanood sa GMA via the thrilling game show na “The Wall Philippines.”     Ang “The Wall Philippines” ay co-production between GMA-7 and Viva Entertainment, Inc., at kunsaan, si Billy ang magsisilbing host.   […]

  • 2 sangkot sa droga tiklo sa P340-K shabu

    DALAWANG hinihinalang drug personalities ang nasakote matapos makuhanan ng higit sa P.3 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng mga pulis sa Valenzuela city, kamakalawa ng gabi.   Kinilala ni Valenzuela police chief Col. Fernando Ortega ang naarestong mga suspek na si Michael Sison alyas Puroy, 42 at Roy Evangelista, 23, ng 168 […]