• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

GSIS, magbibigay ng financial aid sa 11 gov’t LIGTAS COVID centers

Inanunsiyo ni Government Service Insurance System (GSIS) president at General Manager Rolando Ledesma Macasaet na magbibigay na rin sila ng financial assistance na aabot sa P700,000 sa 11 government Local Isolation and General Treatment Areas for COVID-19 cases o tinatawag na LIGTAS COVID centers.

 

Ang COVID center ay community isolation unit na nakalagay sa isang barangay, municipality, city o kaya probinsiya na nagsisilbing temporary shelter sa mga COVID-19 cases na nangangailangan ng quarantine o kaya ay isolation.

 

Tinukoy ng state pension fund ang 11 mga LIGTAS COVID centers na mabibiyayaan ng halos isang milyong piso na tulong pinansiyal ang mga nasa high-risk geographic areas sa National Capital Region, Region III o Central Luzon (except Aurora), Region IV-A o CALABARZON, Pangasinan, Benguet, Iloilo, Cebu, Bacolod City, Davao City, Albay, at Zamboanga City.

 

Ayon sa GSIS president, makakatulong ang P700,000 sa pagbili ng supplies at mga resources sa mga patient care equipment, tulad ng hygiene kits, handwashing facilities, oxygen support, maintenance at medication sa mga COVID patients.

 

“This corporate social responsibility initiative aims to enable local government units to prevent further transmission and manage cases of COVID-19 at the family and community levels,” ani Macasaet. “The centers will be selected by lead agencies, DOH and DILG.”

Other News
  • Klase sa lahat ng antas sa Bulacan, sinuspinde ni Fernando vs COVID-19

    LUNGSOD NG MALOLOS- Sa rekomendasyon ng Provincial Health Office-Public Health at Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, sinuspinde ni Gob. Daniel R. Fernando ang klase sa lahat ng antas sa buong lalawigan ng Bulacan kahapon (Martes) bilang pag-iingat sa banta ng pagkalat ng coronavirus disease, na kilala bilang COVID-19.   Ang suspensyon ay alinsunod […]

  • NA-INFECT SA PNR, UMABOT SA 120

    HINDI  bababa sa 120 na ang na-infect ng COVID-19 sa kanilang mga tauhan sa Metro Manila, ayon sa pamunuan ng Philippine National Railways (PNR).   Ayon kay PNR Spokepserson Joseline Geronimo, naitala ang naturang bilang nang simulant ang COVID-19 testing  sa mga empleyado ng PNR batay na rin sa kaustusan  ni PNR General Manager Junn […]

  • Sen. Bato hinamon maglabas ng ebidensya na mali resulta ng drug war probe

    Hinamon ni dating vice presidential spokesman Barry Gutierrez si Senador Ronald dela Rosa na maglabas ng ebidensya para pasinungalingan ang resulta ng imbestigasyon ng House Quad Committee na na cover up lamang ng grand criminal enterprise ang anti drug war campaign ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.       Ayon kay Gutierrez, tama ang panawagan […]