Guadiz, posible pa ring masibak mula sa LTFRB
- Published on November 9, 2023
- by @peoplesbalita
POSIBLE pa rin umanong masibak sa puwesto si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Teofilo Guadiz III, kung mapapatunayang guilty siya sa mga alegasyon ng korapsyon.
Ito ang naging tugon ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista matapos na matanong kung maaari pa bang muling ma-dismiss si Guadiz mula sa LTFRB, sakaling mapatunayan sa isinasagawang imbestigasyon na siya ay sangkot sa korapsyon.
Ayon kay Bautista, inatasan na niya ang National Bureau of Investigation (NBI) na bilisan ang isinasagawang imbestigasyon sa isyu dahil ang magiging resulta nito ang gagamitin nilang basehan sa paglalabas ng pinal na desisyon.
“Siguro ganun (madi-dismiss) mangyayari. Kaya nga hihintayin namin ‘yung result ng investigation ng NBI,” anang kalihim, sa naturang panayam. “So, tatapusin din naman ‘yung imbestigasyon na ‘yan. Kung ano man ‘yung magiging resulta niyan, ‘yun ang magiging basis natin dun sa final decision.”
Matatandaang noong nakaraang buwan ay lumutang ang dating executive assistant ni Guadiz, na si Jeff Tumbado, at inakusahan ang LTFRB chief, gayundin si Bautista, na sangkot sa korapsiyon sa ahensiya.
Nagresulta ito sa agarang pagsibak ni Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kay Guadiz.
Malaunan ay binawi rin naman ni Tumbado ang kanyang mga alegasyon at humingi pa ng paumanhin sa opisyal.
Nito namang Nobyembre 3, naglabas si Bautista ng isang special order upang maibalik sa puwesto si Guadiz, at naging epektibo ito nitong Lunes, Nobyembre 6. (Daris Jose)
-
PBBM, ipinag-utos ang rebisyon ng flood control masterplan ng Pinas
IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na rebisahin ang flood control masterplan ng bansa para makasabay sa patuloy na paglakas ng mga bagyo. Ang Flood Control Masterplan ng bansa ayon sa Pangulo ay dapat na marebisa kasabay ng climate change na gumagatong para maging malakas ang tropical cyclones. Sinabi pa ni Pangulong Marcos Marcos na […]
-
Para palakasin ang PH-US security ties: VP Harris nasa Pinas na
DUMATING na sa Pilipinas si United States (US) Vice President Kamala Harris para sa serye ng engagements nito kabilang na ang pakikipagpulong kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte. Nakatakda ring bumisita si Harris sa Palawan. Sina Philippine Ambassador to the US Jose Manuel Romualdez, Pasay City […]
-
Rematch hamon ni Holyfield, kay Tyson
HINAMON na ni dating heavyweight boxing champion Evander Holyfield si Mike Tyson. Sa inilabas nitong video, direktahang hinamon nito si Tyson. Nakatakda kasing makalaban ni Tyson si Roy Jones Jr sa November 28 kaya sinabi nito na nais niya na siya ang sumunod na makalaban nito. Lumabas din sa kampo ni Holyfield […]