• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Gunman na pumatay sa radio commentator na si Percy Lapid, sumuko

SUMUKO  na ang gunman sa pumatay diumano sa radio commentator na si Percy Lapid (Percival Mabasa), na siyang ngumuso rin sa tatlo pang suspek habang isinisiwalat na tumanggap siya ng utos mula sa loob ng Bilibid.

 

 

Martes nang iharap ni Interior Secretary Benhur Abalos ang suspek na si Joel Salve Estorial, na sumuko dahil sa “takot sa seguridad” nang ilabas ng Philippine National Police at Department of the Interior and Local Government ang kanyang larawan.

 

 

“P550,000 po [ang ibinayad para sa pagpatay]… Sa lahat na po,” paglalahad ni Estorial kanina.

 

 

“Bale kasama po ‘yung sa loob, bale anim [kami naghati-hati]… Opo, ihinulog po sa bank account ko po, sa BDO… Hinati-hati namin po, [P140,000] po sir [ang akin].”

 

 

Itinuro rin ni Estorial, 39-anyos at tubong Leyte, ang tatlo pa sa kanyang mga kasamahan sa krimen:

 

“Orly Orlando”

 

Edmon Adao Dimaculangan (30-anyos)

 

Israel Adao Dimaculangan (35-anyos)

 

 

Oktubre lang nang noong nakaraang linggo nang umabot sa P6.5 milyon ang pabuya para sa mga magbibigay ng impormasyon para sa ikahuhuli ng salarin sa likod ng pagpatay kay Lapid, na kilalang komentaristang kritiko ng administrasyon nila Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at dating Pangulong Rodrigo Duterte.

 

 

Matatandaang ika-3 ng Oktubre nang pagbabarilin si Lapid ng mga diumano’y nakasakay sa motorsiklo sa  Aria St., Brgy. Talon Dos sa Las Piñas.

 

 

Gumawa ng ingay ang pagpatay kay Lapid, na siyang ikalawang media killing na sa ilalim ng administrasyon ni Marcos Jr.

 

 

Kamakailan lang nang maging kontrobersyal ang pagbisita ng ilang nagpakilalang miyembro ng PNP sa bahay ng GMA reporter na si JP Soriano, na siyang “tumitingin” daw kung may mga banta sa mamamahayag matapos mapatay si Lapid. Nais paimbestigahan na ng Makabayan bloc ang nangyari.

 

 

Dinepensahan naman ng National Capital Region Police Office ang ikinakabahalang surprise visit sa mga journalists habang nakasibilyan, bagay na ginawa lang daw nila para maging “discreet.” (Daris Jose)

Other News
  • 7 MILYON DEACTIVATED NA BOTANTE, PINAPAREHISTRO SA COMELEC PPCRV

    HINIMOK ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) sa mga botante na deactivated na ang kanilang voters registration na muling magpatala sa Commission on Elections (Comelec).   Partikular na hinikayat ng PPCRV  ang mga hindi nakaboto ng dalawang magkasunod na halalan lumipat ng tirahan nagpalit na ng pangalan o mga Overseas Filipino Workers na […]

  • COVID-19 sa Metro Manila nasa ‘moderate risk’ na

    Kinumpirma ni Health Secretary Francisco Du­que III kahapon na naibaba na sa ‘moderate risk’ ang buong Metro Manila dahil sa patuloy na pagbaba ng mga bagong kaso ng COVID-19.     Sinabi ni Duque na ito ay dahil sa naitalang 39% COVID-19 growth rate mula Mayo 2-15 buhat sa dating 46% growth rate.     […]

  • Unregistered SIM cards hanggang Hulyo 25, madedeactivate na – DICT

    SINABI ni Department of Information and Communications Technology (DICT) Secretary Ivan John Uy na mawawalan ng connectivity ang mga indibidwal na hindi nakapagrehistro ng kanilang Subscriber Identity Module (SIM) pagsapit ng alas-12:01 ng Hulyo 26. Kapag na-deactivate ang isang SIM, sinabi ni Uy na mawawalan ng access ang isang user sa kanilang numero. Ang mga […]