Guo pinapa-obligang maglabas ng record kung paano nagastos ang P1.1-B sa kaniyang account
- Published on September 19, 2024
- by @peoplesbalita
IPINAG-UTOS ni Senate committee on women, children, family relations and gender equality chairman Senator Sherwin Gatchalian ang pagpapalabas ng subpoena para obligahin si dating Bamban Mayor Alice Guo na maglabas ng mga records ukol sa nadiskubreng check disbursements na nagkakahalaga ng P1.1 bilyon mula sa kaniyang account.
Dagdag pa ni Gatchalian na hindi maipaliwanag ni Guo sa check disbursement mula 2018 hanggang 2024 kung ang nasabing halaga ay ginamit sa pagpapagawa ng Philippine Offshore Gaming Operations (POGO).
Sa nasabing pagdinig ay makailang iginiit ni Guo na ang nasabing halaga ay ginamit sa pagpapagawa ng kaniyang farm.
Hindi rin aniya masabi ni Guo kung saan nanggaling at napunta ang pera.
Tiniyak naman sa kanya ni Guo na kaniyang ibibigay ang record na hinahanap ng committee at hindi na niya ito masasagot sa pagdinig dahil sa nahaharap na ito sa kaso sa Anti Money Laundering Committee na 87 counts ng money laundering. (Daris Jose)
-
COVID-19 pandemic positibo ang epekto para kay Obiena
Kung negatibo ang pagtanggap ng mga tao sa coronavirus disease (COVID-19) pandemic ay may ‘positibo’ naman itong epekto para kay Olympic Games-bound Ernest John Obiena. Sa isang episode ng “For The Love of the Game” ay sinabi ni Obiena na binago ng COVID-19 ang kanyang katauhan at kaisipan. “I learned a lot. I […]
-
POC tiniyak na pahihirapan ang host country na vietnam sa SEA Games 2021
Tiniyak ni Philippine Olympic Committee na pipigilan nila ang bansang Vietnam na mangibabaw sa 31st Southeast Asian Games sa susunod na taon kahit na sa teritoryo nila ito gaganapin. Sinabi ni POC President Abraham “Bambol” Tolentino, na magiging competitive at pahihirapan nila ang host country. Isang paraan na kanilang gagawin ay ang pagbuo ng national […]
-
Sotto sinimulan na ang NBAGL training
NAKASAMA na ni Kai Zachary Sotto at mga kakampi sa National Basketball Association Gatorade League (NBAGL) Select Team para sa training camp sa nakatakdang magbukas sa taong ito na 19th NBA G League 2020-21 sa Amerika. Ipinost ng 18-anyos, 7-2 ang taas na Pinoy cage phenom sa kanyang Instagram account na nasa Walnut Creek, […]