GUWARDIYA NA BINARIL NG PASYENTE, PATAY NA
- Published on June 25, 2021
- by @peoplesbalita
PATAY na ang guwardiya na binaril ng isang pasyente na nakulitan matapos na sitahin sa kanyang paglabas masok sa kanyang ward sa loob mismo ng Jose Reyes Memorial Hospital.
Ayon kay PLtCol John Guiagui, dakong alas-9:20 ng umaga nang bawian ng buhay si Arturo Budlong, 37, binata at Security Guard ng Achievers Security Agency Phil at nakatira sa Tolentino Apt,Kalye 7, Barangay Lawang Bato, Valenzuela City.
Isang tama ng bala sa dibdib ang tinamo ng biktima na nagresulta ng kanyang kamatayan.
Sa naunang ulat, sinita lamang ng biktima ang pasyenteng suspek na si Mark Anthony Galivo dahil lagi itong lumalabas sa kanyang ward.
Nairita naman ang suspek sa guwardiya kaya nagawang agawin ang nakasukbit nitong baril sa beywang na service firearm at wlaang sabi-sabing pinapurokan ang biktima sa dibdib.
Matapos paputokan ay saka naglakad patungong morque section ngunit maagap na nakatawag ng responde ang iba pang kasamahan ng biktima sa Alvarez PCP .
Pagdating saa ospital, pinasusuko ng mga operatiba ang suspek pero sa halip na sumuko ay nagpaputok muli ng baril sa mga pulis dahilan para siya ay gantihan at tinamaan naman sa kanang ibabang bahagi ng tiyan at kaliwang paa.
Agad ding dinala sa emergency room ang suspek para malapatan ng lunas. (GENE ADSUARA)
-
Maharlika Fund inakyat sa SC, pinadedeklarang unconstitutional
IPINADEDEKLARANG ‘unconstitutional’ ng Makabayan bloc sa Korte Suprema ang pagsertipika ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., bilang urgent sa panukalang paglikha ng Maharlika Investment Fund (MIF) na naglalayong matugunan ang public emergency o kalamidad sa bansa. Nitong Lunes ay naghain ng petisyon ang Makabayan bloc sa Korte Suprema na hiniling na ideklarang unconstitutional at […]
-
NAVOTAS’ COVID RESPONSE PINURI NI DUQUE
Pinuri ni Health Secretary Francisco Duque III ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa matagumpay na pagtugon kontra Coronavirus Disease 2019 pandemic. Si Duque at Cabinet Secretary Karlo Nograles, kabilang sa mga miyembro ng COVID-19 Vaccine Coordinated Operations to Defeat Epidemic (CODE) Team na bumisita sa Navotas Polytechnic College upang suriin ang cold room […]
-
Mga bikers na walang suot na helmet sa Kyusi pag mumultahin na
NAGSIMULA na kahapon ang pag-iral ng ordinansa sa Quezon City na nag-aatas ng mandatory na pagsusuot ng bike helmet. Sa ilalim ng City Ordinance No. SP-2942 o Mandatory Wearing of Bike Helmet, ang mahuhuling lalabag ay pagmumultahin ng P300 para sa 1st offense, P500 sa second offense at P1,000 sa third offense. Bago […]