• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Gyms, fitness centers at iba pa pinayagan nang magbukas ng IATF

Simula sa Sabado ay inaasahang magsisibalikan na ang mga fitness buffs sa mga gyms at fitness centers.

 

Ito ay matapos ihayag kahapon ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez ang pagpayag ng Inter-Agency Task Force for Emerging Infectious Diseases (IATF) na muling buksan ang mga gyms at fitness centers sa gitna ng kinakaharap na coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

 

Ngunit ito ay gagawin lamang sa mga lugar na nasa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) at sa limitadong operasyon.

 

“Inilabas namin ‘yung rekomendasyon kahapon at napag-usapan din kagabi, kinonfirm naman nila ‘yung mga ni-recommend ng DTI para po sa dahan-dahan na gradual reopening,” ani Lopez sa panayam ng DZMM Teleradyo.

 

Puwede na ring buksan ang mga review centers, internet shops, personal grooming services at drive-in cinemas sa 30 percent capacity lamang.

Other News
  • VIOLA DAVIS, most-nominated Black actress sa history ng Academy Awards; ‘Mank’, pinakamaraming nominations sa ‘93rd Oscar Awards’

    ANG pelikulang “Mank” ang nakakuha ng pinakamaraming nominations para sa 93rd Academy Awards or the Oscars.     In-announce ang official list of nominees noong March 15 ng mag-asawang Nick Jonas at Priyanka Chopra-Jonas.     Ten nominations ang nakuha ng black & white film na “Mank” including Best Picture, Actor in a Leading Role, […]

  • Angelica, nag-comment sa post ni Gregg Homan na tinawag siyang ‘Honn’

    MATAPOS ngang ma-link si Angelica Panganiban kay Zanjoe Marudo na sinasabing ‘rumored boyfriend’ na kanilang sinakyan lang, patuloy ang pagko-comment ng netizens sa isa pang photo nila at ang ilan ay hindi talaga naniniwala dahil pareho raw silang may ka-relasyon.   Ilang sa naging comment nila:   “Kung sinasabi niyong walang respeto si Angge sa […]

  • Tagatangkilik ng USTe nag-alsa balutan na rin

    KATULAD ng ibang nagpulasang mga tigre ng University of Santo Tomas men’s basketball team, umalpas na rin tagasuportang Ironcon Builders para sa Growling Tigers sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP).   Hindi na magkakaloob ng tulong sa koponan ang kompanya dahil sa pagbibitiw na ni coach Aldin Ayo na binabagan ng indefinite suspension […]