• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Habang pursigido talaga si Alden… DONNY, balitang type ding ligawan si KATHRYN pero naudlot

HIWALAY na raw sina Kim Chiu at Paulo Avelino.

 

O di ba? Wala namang inamin ang mga bida ng ‘Linlang’ at ‘What’s Wrong with Secretary Kim’, ay naghiwalay na raw, huh!

 

Ito ang tsikang tinawag pa sa amin ng isang insider na taga-Dos na kapwa malapit kina Paulo ay Kim.

 

Ayon pa sa kausap namin ay nagkaroon daw ng kumprontasyon ang dalawa na humantong daw sa hiwalayan.

 

Hindi lang malinaw kung ano raw ang dahilan sa hiwalayan ng dalawa.

 

Wala namang binanggit ang source namin kung sino kina Kim at Paulo ang unang tumapos sa relasyong hindi naman nila inamin sa publiko.

 

Well, may kinalaman kaya dito ang napabalitang masugid na manliligaw daw ngayon ni Kim na si Atty. Oliver Moeller?

 

Well, your guess is as good as mine.

 

***

 

SPEAKING of manliligaw, isa sa napabalitang nanliligaw daw ngayon kay Katryn Bernardo ay si Alden Richards,

 

Kasabay daw ni Alden si Jericho Rosales at Donny Pangilinan na balitang naudlot.

 

Anong say mo ngayon Daniel Padilla, huh!

 

Hindi lang isa, hindi lang dalawa, kundi tatlong bigating aktor at pinagkakaguluhang heartthrobs ang nagkandarapa ngayon na magiging kapalit sa iniwan mo DJ. huh!

 

Kinumpirma pa sa amin ng isang Kapamilya insider na sobrang decided daw ang Kapuso aktor at gagawin ang lahat maging girlfriend lang daw niya si Kathryn, huh!

 

Hindi rin naman pinagkaila ng source namin matutuloy na ang sequel ng blockbuster movie nila noon na “Hello, Love, Goodbye”.

 

Pero pinagdiinan naman ng source namin na walang kinalaman ang follow up movie ang nakikitang sobrang closeness ngayon nina Alden at Kathryn, na kung saan lahat ng mga private parties ng Kapamilya aktres ay present din ant Kapuso prime star, huh!

 

Sa totoo lang din namin sobra ang closeness ngayon nina Alden at Kath na kapansın-pansin din na nag-e-enjoy ang dalawa sa company ng isa’t isa, di ba?

 

Well, kung hahantong sa pagiging mag-sweetheart sina Alden at Kathryn well walang masama di ba?

 

Pero ngayon pa lang ay kung anu-anong negatibong ibinato kay Alden na obviously mga fans ni Daniel, huh!

 

Isa na rito ang sinasabing hindi raw kasing yaman ni Daniel si Alden, huh!

 

Well, ayon pa sa isang nakausap namin ay tahimik lang si Alden at hindi niya ipinagmamalaki ang anumang naipundar niya sa pag aartista.

 

“Isa si Alden sa may ari ng isang private school sa Laguna. May mga scholars siyang tinutulungan at bukod pa riyan, yung mga inaalagaan niyang mga street children dati, na ngayon ay binigyan niya ng maayos na buhay”.

 

“Magtanung kayo sa malapit sa tinitirhan ngayon ni Alden, may mga ari-arian siya na ikakagulat nila,” sey pa ng kausap namin.

 

Sa totoo lang din naman, hindi maglalakas loob si Alden na alukin ang Star for All Seasons sa pagsasamahan nilang pelikula, if ever pumayag si Ate Vi at siya mismo ang magpo-produce.

(JIMI C. ESCALA)

Other News
  • Inatasan ni Speaker Lord Allan Velasco na buksan at simulan ang deliberasyon

    Inatasan ni Speaker Lord Allan Velasco ang House Committee on Constitutional Amendments na buksan at simulan ang deliberasyon sa pag-amyenda sa mga mahihigpit na probisyon sa ekonomiya, na nakasaad sa ilalim ng 1987 Saligang Batas, sa isang Resolution of Both Houses (RBH) 2 na kanyang inihain.    Ayon kay Velasco, noong inihain niya ang RBH […]

  • MARIAN, binigyan ng intimate pero very elegant na birthday party ni DINGDONG at ginawan pa ng tula

    HINDI pinalampas ni Dingdong Dantes ang 37th birthday ng kanyang misis na si Marian Rivera na hindi ito mabibigyan ng isang intimate pero very elegant na birthday party.     Ikalawang ECQ na nga na nagse-celebrate sila ng birthday, pero gano’n pa man, mukhang parehong happy naman ang dalawa na idinadaos kita kapiling ang dalawang mga anak […]

  • Economic essential workers dapat mabakunahan din sa second quarter ng 2021

    TINITINGNAN ng pamahalaan na mabakunahan ang tinatawag na economic essential workers sa second quarter ng 2021.   Sinabi ni vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. sa public address ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, Lunes ng gabi na ang mga economic frontliners ay kabilang din sa prayoridad ng gobyerno sa COVID-19 immunization drive.   “Ang ginawa […]