Halaga ng pinsalang iniwan ng STS Kristine sa agri sector, lumobo pa sa P6.83B
- Published on November 11, 2024
- by @peoplesbalita
Ito ay batay sa updated report ng Department of Agriculture – Disaster Risk Reduction and Management Operations Center (DRRMO).
Lumobo rin sa 171,080 ang bilang ng mga magsasaka at mangingisdang naapektuhan sa pananalasa ng naturang bagyo mula sa 143,000, dalawang araw na ang nakakalipas.
Umabot na rin sa 317,316 metriko tonelada ang natukoy na production loss mula sa 141,971 ektarya ng mga sakahan na naapektuhan.
Nananatili pa ring pinaka-apektado ang rice industry na nagtamo na ng kabuuang P5.05 billion na pinsala habang ang nalalabi ay pinaghati-hatian na ng mga industriya ng mais, fisheries, poultry, at iba pa.
Sa kasalukuyan, wala pang datos ukol sa pinsalang iniwan ng Super Typhoon Leon sa sektor ng pagsasaka.
Ayon sa DA, hindi pa rin kaaya-aya ang weather situation sa mga lugar na naapektuhan ng naturang bagyo para sa pagsasagawa ng field validation. (Daris Jose)
-
Malakanyang, hangad ang mabilis na paggaling ni dating Pangulong Estrada
HANGAD ng Malakanyang ang mabilis na paggaling ni dating Pangulong Joseph “Erap” Estrada na isinugod sa ospital matapos tamaan ng COVID-19. “Please get well soon. Alamat po kayo dito sa Pilipinas,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque. “We want to see you healthy and we want you to take part in the public […]
-
PISTON pinipilit ang LTFRB na ibasura ang consolidation
NAG-protesta ang mga miyembro ng Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operator Nationwide (PISTON) sa labas ng Mababang Kapulungan sa lungsod ng Quezon noong nakaraang Huwebes. Ang Party list na Makabayan ay naghain ng Resolution 1506 na hinihikayat ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na ibasura ang Department Order 2017-011 […]
-
Ads February 11, 2022