Half-Pinoy Jason Kubler kasama ang pakner, KAMPEON!
- Published on January 31, 2023
- by @peoplesbalita
TAAS-NOO na naman ang mga Pinoy matapos magkampeon sina Filipino-Australian Jason Kubler at partner Rinky Hijikata sa men’s doubles ng Australian Open na nilaro sa Melbourne nitong Sabado.
Ayon kay Philippine Olympic Committee (POC) President Rep. Abraham “Bambol” Tolentino, may maipagmamalaki na naman ang mga Pilipino sa panalo ni Kubler.
“It’s something that we Filipinos—and the POC—should be proud of and cherish,” patungkol ni Tolentino kay 29-year-old Kubler.
Si Kubler ay anak ng Philippine-born mother habang Australian ang kanyang ama.
“We know that a part of him is Filipino and Jason showed that to the world,” ani Tolentino. “We’re really proud of him for winning a grand slam title not only for Australians but also for his fellow Filipinos.”
Dala ang bandila ng Australia, tinalo nina Kubler at Hijikata sina Hugo Nys at Jan Zielinski, 6-4, 7-6 (4), sa final sa Rod Laver Arena.
Unang Grand Slam title nina Hijikata at Kubler, unang beses din silang nagkampihan. (CARD)
-
SISIHAN DITO SISIHAN DOON
Ang isyu ng paglobo ng bilang na tinamaan ng “Corona Virus” ay nagbunga ng sisihan sa pagitan ng ilang sector ng mamamayan at pamahalaan. Ayon sa ilang mamamayan kulang umano ang mga hakbang na ginagawa ng kasalukuyang administrasyon sa paglaban sa “Corona Virus” na isang taon ng namamayagpag sa ating bayan. […]
-
TOP DRUG PERSONALITY NG NPD NA LIDER NG “ONIE DRUG GROUP”, TIMBOG SA BUY-BUST
NATIMBOG ng mga awtoridad ang No. 1 drug personality ng Northern Police District (NPD) na lider din ng “Onie Drug Group” at kanyang kasama sa isinagawang buy-bust operation sa Caloocan City. Kinilala ni NPD Director P/Brig. Gen. Ronaldo Ylagan ang mga naarestong mga suspek na si Renato Perez, alyas “Onie”, 32, (Watchlisted) No. 1 […]
-
IHU coronavirus hindi pa ‘variant of concern’ – health expert
Hindi maituturing na variant of concern ang IHU coronavirus variant na unang natuklasan sa France. Sinabi ni infectious disease expert Dr. Edsel Salvana na mula pa noong Nobyembre 2021 ay binabantayan na ito ng World Health Organization (WHO). Dagdag pa nito na marami itong mutations pero wala umano itong immune evasion […]