Halos 100% na ang kondisyon ni Pacquiao 19 days bago ang laban
- Published on August 6, 2021
- by @peoplesbalita
Halos 100% na umano ang kondisyon ni Pinoy ring icon Manny Pacquiao bilang paghahanda sa laban nito kay Errol Spence Jr.
Sa panayam ng Bombo Radyo GenSan, inihayag ni Lee Marinduque, founding chairman ng Manny Pacquiao for President Movement na nasa California USA ngayon, nasa maayos ang takbo ng pagsasanay ni Pacman 19 na araw bago ang laban sa American boxer.
Aniya, hindi pare-pareho ang rounds ng sparring sessions ni Manny na minsan ay umabot ng 10 rounds.
Ayon kay Marinduque, halos nasa peak na ang kondisyon ng senador ngunit iniiwasan nina Hall of Famer Coach Freddie Roach at Coach Buboy Fernandez na ma-burn out sa training.
Dagdag rin nito, sa ngayon nagpatupad ng paghihigpit sa pagpapasok sa Wild Card Gym para makaiwas sa Coronavirus Disease maging ang pagkuha ng mga videos at litrato sa training ni Manny ay ipinagbabawal rin.
Itinakda ang faceoff ng fighting senator kay Spence sa darating na Agosto 21 o Agosto 22 na sa Pilipinas.
Samantala, sinabi ni Marinduque na batay sa kasalukuyang betting odds sa Amerika liyamado umano sa ngayon si Errol Spence kontra kay Pacquaio.
-
Lead physician ni PBBM na si Dr. Zacate, bagong hepe ng FDA
ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kanyang lead physician na si Dr. Samuel Zacate, bilang pinuno ng Food and Drug Administration (FDA). Sinabi ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles na kuwalipikado si Dr. Zacate sa nasabing posisyon at walang kinalaman ang pagiging lead doctor nito kay Pangulong Marcos para italaga siya bilang bagong […]
-
Nakakaalarmang kondisyon ipapaopera na: DAVID, napagkakamalang suplado dahil sa ‘sleep apnea’
PLANO na pala ni David Licauco na ipaopera ang kanyang kondisyon na ‘sleep apnea’ pagkatapos ng TV series nila ni Barbie Forteza na “Maging Sino Ka Man.” Ang sleep apnea ay sleep disorder na tumitigil kung minsan ang paghinga ng pasyente habang natutulog. Sa naging panayam ni Nelson Canlas na ipinakita […]
-
Hinanda na ang sarili sakaling matalo: STELL, inaming ‘di inasahan na mananalo ang ‘Vocalmyx’
INAMIN ni Stell Ajero na hindi niya inasahan na mananalo ang Vocalmyx, ang 8-member acapella group from Cagayan de Oro na kanyang na-coach sa ‘The Voice Generations Philippines’. Ayon kay Coach Stell, hinanda na raw niya ang sarili niya kung sakaling hindi manalo ang Vocalmyx. “Nung tinawag ‘yung Vocalmyx, […]