• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Halos 200K households, naaalis sa listahan ng 4Ps sa loob ng panunungkulan ni PBBM

SA LOOB ng isang taong panunungkulan ni Pang. Ferdinand Marcos Jr, umabot na sa 196,539 households ang naalis mula sa listahan ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps.

 

 

Maaalalang sa unang SONA ni Pang. Marcos ay nagbigay siya ng direktibang linisin ang listahan, upang mapupunta lamang sa mga kwalipikadong pamilya ang tulong ng pamahalaan sa pamamagitan ng 4Ps.

 

 

Batay sa talaan ng DSWD, nasa 1.3 million household na ang isinailalim sa validation simula noon.

 

 

Kabilang sa mga dahilan ng pagkakatanggal ng halos 200,000 na miyembro nito ay ang paglabag sa polisiyang sinusunod sa ilalim ng 4Ps, habang ang iba ay kusang umalis, at ang ibang mga miyembro naman au nagtapos na sa nasabing programa.

 

 

Sa kasalukuyan, tuloy-tuloy pa rin ang ginagawang assessment ng nasabing kagawaran upang matiyak na tanging ang mga nararapat na benepisyaryo lamang ang makikinabang nito.

 

 

Sa likod ng nito ay tiniyak naman ng ahensiya na hindi nila papabayaan ang mga nagsisipagtapos, kasama na ang mga pamilyang natutukoy na hindi na nangangailangan ng tulong ng 4Ps. (Daris Jose)

Other News
  • 2020, Year of Filipino Health Workers – Duterte

    Idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang 2020 bilang Year of Filipino Health Workers.   Nakasaad sa Proclamation No. 976, ang pangangailangan na bigyang-pugay ang kabayanihan at sakripisyo ng mga doctors, nurses, midwives at lahat ng health workers na itinataya ang kanilang buhay sa linya ng kanilang serbisyo lalo na ngayong humaharap sa COVID-19 pandemic ang […]

  • Pacquiao nagpakitang gilas sa huling sparring session bago ang laban vs Ugas

    Tapos na ang anim na linggong training camp ni boxing champ Manny Pacquiao para sa kaabang-abang na laban nito sa susunod na linggo.     Kahapon, apat na rounds ang ginugol ng tinaguriang fighting senator sa sparring session nito kay Abrahan Lopez.     Kinailangan ni Pacquiao ang presensya ni Lopez matapos na hindi natuloy […]

  • ‘Delayed’ allowance ng mga athletes, coaches makukuha na – PSC

    Tiniyak ng Philippine Sports Commission (PSC) na malapit nang matanggap ng mga atleta at mga coach ang kanilang monthly allowance matapos ang ilang delay.   Pahayag ito ng PSC kasunod ng naging panawagan ni Sen. Christopher “Bong” Go na ibigay na dapat ang allowances ng mga athletes at coaches.   Ayon kay PSC Commissioner Ramon […]