• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Halos 6-K police personnel idineploy para tumulong sa relief operations

Nasa 5, 837 tauhan ng PNP mula sa lahat ng rehiyon ang dineploy sa Reactionary Standby Support Force para tumulong sa Relief, Search and Rescue Operations sa mga lugar na sinalanta ng bagyong “Odette”.

 

Ayon kay PNP Chief PGen. Dionardo Carlos, nakapag ligtas ang kanilang mga tauhan ng 1,263 indibidual sa ikinasang 142 rescue operations.

 

Sa ngayon aniya, inuuna ng kanilang mga tauhan ang road clearing operations para mas mabilis na makarating ang tulong sa mga nangangailangan.

 

 

Bukod dito, tinututukan din aniya ng mga pulis ang peace and order lalu pa’t may kakulangan sa mga basic necessities tulad ng pagkain, tubig, at gasolina sa mga lugar na napuruhan ng bagyo.

 

 

Ayon kay Carlos, nasa 808 PNP personnel ang dineploy para sa seguridad ng mga evacuation centers.

 

 

Tiniyak ni Gen. Carlos na sa pagkakataon ng matinding pangangailangan laging may pulis na handang tumulong sa mga mamayan.

 

 

” We will never cease to help since it is intergral in our mission. Calamities such as typhoon Odette can be best gauge the strenght of our working force even if some of our personnel are catastrophe victims too,” pahayag ni Gen. Carlos.

 

 

Hindi naman tumitigil ang PNP sa pagtulong sa pamamahagi ng relief goods sa ating mga kababayan na naapektuhan ng hagupit ng Bagyong Odette.

 

 

” This is Bayanihan at its finest, where help is needed, the PNP will be there,” dagdag pa ni Gen. Carlos.

 

 

Samantala, patuloy sa pagtaas ang bilang ng mga casualties na naitatala ng PNP National Operations Center matapos ang pananalasa ng Bagyong Odette.

 

 

Sa datos ng na inilabas ng PNP nasa 375 ang nasawi, 515 sugatan, at 56 missing. Ito ay as of 6AM December 21,2021.

 

Ayon kay PNP Spokesperson Col. Roderick Augustus Alba, bukod sa relief, search and rescue effort nagsagawa din ang PNP ng 453 relief operations.

 

 

Iniulat din ni Alba na nasa 534 PNP personnel ang naapektuhan ng Bagyo na kanila din binigyan ng kaukulang tulong.

 

 

May mga PNP structures din ang nasira sa paghagupit ng Bagyong Odette lalo na sa PRO-8 at PRO-13 na tinatayang nasa mahigit P4.6 million. (Daris Jose)

Other News
  • Bus routes sa ‘Libreng Sakay’, posibleng dagdagan

    PINAG-AARALAN na ng Department of Transportation (DOTr) ang posibilidad na magdagdag pa ng mga libreng bus rides sa mas maraming ruta, sa ilalim ng kanilang ‘Libreng Sakay Program’.     Ayon kay DOTr Undersecretary Cesar Chavez, makikipagpulong si DOTr Secretary Jaime Bautista sa mga pinuno ng mga ahensiyang may kinalaman dito upang talakayin ang isyu. […]

  • QUARANTINE FACILITY SA MGA BARANGAY SA KYUSI NADAGDAGAN

    NADAGDAGAN pa ng walo pang quarantine facility sa mga barangay sa Quezon City.   Ayon sa LGU, layon nitong mas makapaghatid ng serbisyo sa mga residente sa bawat barangay sa naturang lungsod. Layon din nito na ang mga walang sapat na lugar sa kanilang mga bahay na tinamaan ng COVID-19  ay doon na magpagaling.   Nitong nagdaang […]

  • Unang cash incentive, natanggap na ni Hidilyn mula sa MVP Foundation

    Kinumpirma ng MVP Sports Foundation (MVPSF) chairman na si Manny V. Pangilinan na naideposito na nila sa account ni Hidilyn Diaz ang P10 milyon na cash incentive.     Ito ang pangakong financial reward ng MVP Foundation para sa Olympic gold medalist     Lubos naman ang pasasalamat ng 30-anyos na Pinay weightlifter sa unang […]