• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Halos 60K Pinoy nagbenepisyo sa P400 milyong medical assistance – PCSO

IBINAHAGI ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na hindi bababa sa 60,000 Pilipino ang nakinabang sa mahigit P400 milyon na inilabas ng ahensya sa tulong medikal sa unang quarter ng 2023.

 

 

“Nasa 60,779 kaba­bayan natin ang natulu­ngan sa kanilang gastu­sing pang-medikal, na uma­bot sa P410,427,957.55 na inilabas ng PCSO sa pamamagitan ng Medical Access Program,” ani PCSO Chairman Junie E. Cua.

 

 

“Asahan po ninyo na tuluy-tuloy lang ang PCSO sa adhikain nitong matulungan ang sambayanang Pilipino. Paiigtingin pa natin ang serbisyo para mas marami pang kababayan natin ang makinabang,” dagdag pa ni Cua.

 

 

Ayon sa PCSO, ang Medical Access Program (MAP) ay sumasaklaw sa iba’t ibang mga request para sa fund augmentation para sa mga medical concerns tulad ng confinement, dialysis injection, paggamot sa kanser, hemodialysis, laboratoryo, diagnostic, at mga ima­ging procedures, gayundin sa implant at mga medikal na kagamitan, atbp.

 

 

Anila, ang MAP ay kinuha mula sa Charity Fund na binubuo ng 30 porsiyento ng mga net receipt, at eksklusibong ginagamit upang pondohan at suportahan ang mga programang pangkalusugan, tulong medikal, mga serbisyo, at mga kawang­gawa na may national character.

 

 

Ang PCSO ay kumakalap ng mga pondo sa pamamagitan ng mga sweepstakes, karera ng kabayo, lottery at mga kahalintulad na aktibidad.

 

 

Nagpahayag si Cua ng positibong pananaw na ang ahensya ay makakapaglingkod sa mas maraming Pilipino ngayong taon at lalampas sa mga numerong naitala nito noong 2022 kung saan nakapaglabas ang PCSO ng P1,395,310,206.43 sa 210,731 benepisyaryo.

Other News
  • Kapalit ng pagod at puyat sa mga showbiz projects: ALEXA, mahilig talaga sa alahas kaya nireregaluhan ang sarili

    MAHILIG sa alahas si Alexa Ilacad kaya bagay siyang endorser ng Manila Diamond Studio na may bagong branch sa 5th Floor ng Edsa Shangri-La Plaza Mall sa Mandaluyong City.     Nireregaluhan raw ni Alexa ang kanyang sarili ng alahas kapalit ng pagod at puyat sa mga showbiz projects niya.     “Yes, actually! Kaya […]

  • VP Sara, ipinagmalaki ang liderato ni PBBM

    NAGPAHAYAG ng kanyang pasasalamat si Vice President Sara Duterte-Carpio kay Pangulong  Ferdinand Marcos Jr, kung saan ang liderato ay  “marked with decisiveness, strength, fortitude, and political will.”     Ipinagmalaki ng Bise-Presidente si Pangulong Marcos at ang “kind of leadership that inspires us to be more aggressive in delivering what we have promised to the […]

  • Obispo, dismayado sa “white sand project” sa Manila bay

    Dismayado si Archdiocese of Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo sa hindi napapanahong proyekto ng pagpapaganda at paglalagay ng artificial white sand sa Manila Bay bilang bahagi ng rehabilitasyon nito sa gitna ng krisis na kinahaharap ng bansa mula sa COVID-19 pandemic.   Sinabi ng Obispo sa panayam ng Radyo Veritas na hindi naaangkop na […]